Lana Condor tampok ang boses sa bagong animation film na tungkol sa mga sirena, sea monsters

Lana Condor tampok ang boses sa bagong animation film na tungkol sa mga sirena, sea monsters

Lana Condor, ‘Ruby Gillman, Teenage Kraken’

BIBIGYANG boses at buhay ng sikat na American actress na si Lana Condor ang pinakabagong animation film ng Universal Pictures at DreamWorks.

Ito ay pinamagatang “Ruby Gillman, Teenage Kraken” na tungkol sa mga sirena at sea monsters na kung tawagin ay “kraken.”

Iikot ang istorya nito sa isang 16-year-old kraken na desperadong nakikibagay sa mga estudyante ng Oceanside High.

Bukod diyan ay pinagbabawalan din siya ng kanyang super-protective mom na lumusong sa tubig kaya naman siya ay umiiwas na makipag-hang out sa ilang cool kids na malapit sa beach.

Kalalabas lang ng official trailer ng pelikula at mapapanood na sinuway ni Ruby ang number one rule ng ina at doon niya natuklasan na siya ay tagapagmana ng trono ng kanyang lola na isang Warrior Kraken Queen.

Baka Bet Mo: Bagong animated film ng ‘Spider-Man’ aprub sa mga kritiko: ‘It raised the bar with its unique animation style!’

Base sa takbo ng kwento ng animation film, ang krakens ang tagapagprotekta ng karagatan laban sa mga sirenang uhaw sa kapangyarihan.

At isa na riyan ang popular girl mula sa eskwelahan ni Ruby na si Chelsea.

 Bukod kay Lana, tampok din ang mga boses nina Oscar nominee Toni Collette, Academy Award winner Jane Fonda at Emmy winner Annie Murphy.

Supporting cast naman sina Emmy winner Colman Domingo, Emmy nominee Sam Richardson at Blue Chapman.

Ang “Ruby Gillman, Teenage Kraken” ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na June 28.

Related Chika: 

Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: ‘Alam n’yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato’

Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’

Read more...