Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa't isa?
MAGDYOWA na nga ba ang social media influencer na si Zeinab Harake at basketball player na si Bobby Ray Parks?

Ito ang tanong ng madlang pipol matapos nilang makita ang sweet photos ng dalawa na uploaded sa Instagram page ng basketbolista.

“Beloved,” isang maikling caption ni Ray kalakip ang mga larawan nila ni Zeinab.

Ibinandera rin nito ang kanilang couple tattoo sa hinlalaki na isang cross.

Makikita rin ang simpleng pagpalalitan nito ng sweet messages na talagang nagpakilig sa kanilang followers.

“I [heart sign emoji] U,” comment ni Zeinab.

Sagot naman ni Ray, “I [heart sign emoji] U MORE.”

Bagamat wala namang direktang pag-amin mula kina Zeinab at Ray ay pakiramdam ng madlang netizens ay ito ang kanilang paraan ng pagpapaalam sa publiko na sila na.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff

Read more: https://bandera.inquirer.net/349049/xian-gaza-kinumpirmang-nililigawan-ni-bobby-ray-parks-jr-si-zeinab-harake-nilinaw-na-hindi-kabit-ang-bff#ixzz83Z0TYnIP
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Wala pa namang ipinopost ang social media influencer sa kanyang Instagram page ngunit madalas na niya itong ipini-flex sa pamamagitan ng Instagram stories.

Super happy naman ang mga fans at supporters ni Zeinab sa bago nitong natagpuang pag-ibig dahil aware naman ang lahat sa kanyang naging karanasansa dating partner na si Skusta Clee.

“Sa wakas napunta ka rin sa pogi,” sey ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Please take care of our baby gurl @zeinab_harake we trust you and we will support u guys no matter what. Just please make her the happiest woman alive. Cant see her breaking her heart again. dalaga na zebby namin may jowa na”

Comment pa ng isa, “She deserves to be happy and loved. Please don’t make her cry.”

Matatandaang unang napabalita na may something kina Zeinab at Ray matapos may makakitang netizen na magkasama sa Japan.

Hanggang sa mismong si Xian Gaza na rin ang nagbandera ng kwento ng dalawa upang depensahan ang kaibigan sa mga tumatawag ditong “kabit”.

Related Chika:
Zeinab Harake may bago na nga bang natagpuang pag-ibig?

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Read more...