Kim nakisimpatya sa pag-goodbye ng TVJ: ‘Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila, suportahan talaga at hindi tayo maghihilahan pababa’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kim Chiu, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon
SA gitna ng kontrobersyang kinakaharap ngayon ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga“, marami ang umaasa na hindi tuluyang mawawala sa mundo ng telebisyon ang iconic trio na Tito, Vic & Joey.
Hindi lang mga loyal viewers ng “Eat Bulaga” ang “nagluluksa” ngayon sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon at ng iba pang Dabarkads, kundi pati mga sikat na celebrities na naging bahagi rin ng programa sa loob ng 44 years.
Isa ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nahingan ng reaksyon sa madamdaming “farewell announcement” ng TVJ kahapon sa ilang minutong live episode ng “Eat Bulaga”.
Si Kim ay bahagi ng programang “It’s Showtime” sa ABS-CBN na katapat ng “Eat Bulaga” tuwing pananghalian sa GMA 7.
Ayon kay Kim, kahit na magkatapat ang kanilang show, suportado pa rin niya sina Tito Sen, Bossing Vic at Boss Joey dahil isa rin siya sa milyun-milyong Filipino na nakikisimpatya sa nangyari sa “Eat Bulaga.”
Aniya, kahit anong mangyari, mananatili pa rin daw ang mataas na pagrespeto niya sa tatlong haligi ng entertainment industry. Kaya ang sabi ng dalaga, suportahan at igalang kung anuman ang naging desisyon ng TVJ.
“Change is nandiyan talaga yan, eh. Parang hindi naman natin mababago yan. And then yung, high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman,” pahayag ni Kim nang makachikahan ng press sa naganap na mediacon para sa bago niyang endorsement, ang Sisters Sanitary Napkin.
Dagdag pang pahayag ng girlfriend ni Xian Lim, “Susuporta at susuporta. Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila.
“Kung ano yung desisyon nila and whatever is happening sa… anong tawag diyan, sa base nila, it’s for them,” aniya pa.
Sabi pa ng dalaga, sa halip na maghilahan pababa, kailangang magsuportahan ang bawat miyembro ng showbiz industry para na rin sa ikauunlad ng lahat.
“But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila magpunta, and that’s what they need also, the support.
“Lahat naman tayong mga artista kailangan natin yung suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa, we have to push (forward),” mariin pang pahayag ni Kim.
Aminado rin si Kim na naging bahagi rin ng kanyang kabataan ang “Eat Bulaga”, “Of course, of course, yung respeto natin sa kanila nandu’n talaga, sila talaga yun.”