Ex-Star Magic, Nickelodeon star Eduard Banez excited nang bumalik sa Pinas; pinatunayang grabe pa rin ang Asian hate sa US
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Eduard Banez
HINDING-HINDI makakalimutan ng dating news anchor at Nickelodeon star na si Eduard Banez ang naging karanasan niya sa Amerika bilang isang Filipino.
Maraming kuwento ang Pinoy artist tungkol sa mga na-experience na diskriminasyon nang magtungo at magsimulang manirahan sa US kasama ang kanyang pamilya.
Pinatunayan ng ex-Star Magic artist na grabe pa rin ang isyu ng discrimination sa ilang bahagi ng Amerika, kabilang na riyan ang malawakang Asian hate, kung saan ilang Filipino nang nagtatrabaho roon ang nabiktima.
“‘You don’t look like us.’ That’s what a man told me,” ang tandang-tandang sabi raw sa kanya ng isang Amerikano nang makausap siya nito noong bagong salta pa lang siya sa US.
“But I’m happy that the Filipino community here is very strong. Laban lang,” ang mensahe pa ni Eduard sa mga kapwa Pinoy na naninirahan na ngayon sa iba’t ibang parte ng United States.
Sabi pa niya, “Asian hate here is very wide. I wanted to make an impact in the community by increasing visibility.
“Kasi dapat nilang makita ‘yung value natin as a human. We are working so hard kaya sana ‘yung respeto nandu’n,” dagdag pa ni Eduard na miss na miss na rin daw ang Pilipinas.
Kuwento pa ng binata about discrimination, “Kapag napapanood ko sa TV na ang daming nakaka-experience ng Asian hate, nalulungkot ako. We should treat people equally and gracefully.”
Ano nga ba ang realization niya sa paninirahan at pagtratrabaho sa ibang bansa, “Accept who you are. Be happy with what you get. What you did is what you will get. Being successful is a process of determination.”
Siyempre, looking forward din ang dating MTV Asia sa pagbabalik niya sa Pilipinas at kinumpirmang balak din niyang mag-produce ng shows dito, “Of course. Nami-miss ko na ang Pilipinas. Iba kasi mag-welcome ang mga Pilipino. Nami-miss ko rin ang mga pagkaing Pinoy.”
Nasa plano na rin daw niya ang ipag-produce ng concerts dito sa Pilipinas ang international stars na sina Ed Sheeran at Sia.
“Naka-work ko na ang team nina Ed Sheeran and Sia for my music video. They were very nice and welcoming. Sana matuloy ang pangarap kong concerts na ipo-produce ko,” pahayag pa ni Eduard na naging bahagi ng Star Magic Batch 15 kung saan nakasabay niya sina Megan Young, Jessy Mendiola, at Bela Padilla.