Tatay nagbebenta ng brownies para sa kanyang premature baby: 'Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak' | Bandera

Tatay nagbebenta ng brownies para sa kanyang premature baby: ‘Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak’

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Tatay nagbebenta ng brownies para sa kanyang premature baby: ‘Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak’

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 09:51 AM

Tatay gumagawa, nagbebenta ng brownies para sa kanyang premature baby: 'Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak'

Dioscoro Rey at Jem Rey

NAANTIG ang puso ng mga netizens sa makabagbag-damdaming kuwento ng isang ama na ginagawa ang lahat para sa kanyang mag-ina na dumaraan ngayon sa isang pagsubok.

Marami ang na-touch at na-inspire sa ibinahagi ni Tatay Dioscoro Rey, Jr. sa madlang pipol tungkol sa kundisyon ng kanyang asawang si Jemima Rey at ng anak nilang premature na si Baby Olivia Psalm.

Ipinost ni Dioscoro ang litrato ng kanyang anak sa Facebook kalakip ang mga ibinebenta niyang brownies online na siya raw mismo ang gumagawa. May iba’t ibang flavor raw ito kaya may choices ang buyers.

Pahayag ng ama ni Baby Olivia, ang kinikita niya sa mga itinitindang produkto ang ginagamit nilang pangtustos sa pangangailangan ng kanyang mag-ina na nasa hospital pa rin hanggang ngayon.

Ang caption ni Tatay Dioscoro sa kanyang FB post, “Gagawin ng magulang ang lahat para sa kaniyang anak.”


“Marami ng tusok ng karayom at hirap na dinanas ang aming baby, pero alam namin na lumalaban siya kaya mas lalo kaming lalaban for her!” ang mensahe pa niya para kay Baby Olivia Psalm.

Baka Bet Mo: Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa ‘yo, bayaran ko na lang pagbalik mo

Aniya, medyo malaki na ang nagagastos nila sa hospital at medical expenses kaya naman patuloy silang nakikiusap sa madlang pipol na sana’y matulungan sila sa kanilang problemang pinansiyal.

“Sabik na po kaming makasama siya at maalagaan kaya kami po uli ay nangungulit sa inyo para matulungan kami sa kaniyang hospital bill at medical expenses.

“20 days na siya ngayon sa ospital pero maganda po ang nagiging lagay n’ya. Konti na lang at malapit na siyang makauwi.

“Sa ngayon po ay malapit ng umabot sa P300k ang bill n’ya (di pa kasama ang bayad sa doktor) at unti-unti na rin po kaming nagbibigay ng partial payment habang naglalakad lumapit sa iba’t ibang govt agencies na pwedeng makatulong.

“Maraming salamat po sa walang sawang panalangin at pagtulong! Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng panahon!” pahayag pa ni Dioscoro.

Sa isa pa niyang FB post, makikita si Baby Olivia na nakahilig sa dibdib ng kanyang ina na may caption na, “Yung feeling na masarap magpahinga sa presensya ni Lord dahil alam mo na patuloy Siyang tapat sa kabila ng lahat.

“Maraming salamat, Panginoon, sa kabutihan at katapatan Mo. Nais namin palakihin si baby na nagpupuri at nagpapasalamat sa Lord. Si baby Olive tulog na tulog sa kanta ni mommy nya,” aniya pa.

Kaya naman apela niya sa publiko, “We are humbly knocking on your kind hearts to help our little fighter. Any assistance or support is deeply appreciated by us. Buy our brownies and save our tiny but mighty preemie! Thank you everyone and God bless!”

Sa mga gustong tumulong kay Baby Olivia, mag-message lang kayo sa Facebook account ni Tatay Dioscoro.

Angel: Mag-aaral ako magluto para hindi ako isauli ng asawa ko sa tatay ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending