Paolo Contis ibinunyag kung paano ‘nabihag’ kay Yen Santos: She had every opportunity to leave but…

Paolo Contis ibinunyag kung paano 'nabihag' kay Yen Santos: She had every opportunity to leave but...

INAMIN ng Kapuso actor at comedian na si Paolo Contis ang tunay na rason kung bakit siya na-inlove sa aktres na si Yen Santos.

Sa kanyang panayam sa podcast na “Updated with Nelson Canlas” nitong Martes, May 30, ikinuwento ng aktor ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit niya minahal ang current dyowa.

“Sobrang simpleng bagay lang.
“When the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to leave me, but she stayed,” pagbabahagi ni Paolo.

Pag-amin ng aktor, isang malaking bagay para sa kanya ang pananatili ni Yen noong mga panahong naiwan siyang mag-isa.

Kwento ni Paolo, “Ako, sa totoo lang, ang laki-laking bagay [no’ para sa akin]. Kasi noong mga times na yon, pinag-uusapan naman namin na mahirap, yes.

“Nagkaroon pa nga ng times nag-ano siya sa social media hiatus. Pero she did everything she can to not get affected, as long as nakakapag-usap kami and okay kami.”

Tanong ni Paolo, “Hindi mo ba mamahalin yon? During the time some of my friends, some of the people who actually believe me were leaving, someone stayed.”

Well hindi naman na maipagkakaila na talagang isang malaking pagsubok ang dinanas ng dalawa bago pa man ang pag-amin sa kanilang tunay na relasyon dahil marami sa mga netizens ang talagang tumuligsa sa kanya dahil na rin sa hindi nila magandang paghihiwalay ni LJ Reyes.

Si LJ kasi ang huling karelasyon ni Paolo at ang ina ng kanyang bunsong anak na si Summer bago pa man pumasok sa kanyang buhay si Yen.

Kaya nga marami pa rin ang nagsasabi at nagpipilit na si Yen daw ang dahilan ng pagbe-break ng dalawa matapos silang magsama sa pelikulang “A Faraway Land”.

Pero giit ni Paolo, hindi talaga ito ang dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila ng ina ni Summer.

Tanong naman ni Nelso sa aktor, worth it ba ang dalaga sa kabila ng mala-roller coaster ride na kanilang pinagdaanan.

Baka Bet Mo: Paolo Contis umaming dyowa na si Yen Santos, nagpakatotoo sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘May mga kalokohan din akong ginawa’

“Yeah. Kumbaga, noong lahat palayo, siya [naman ay] papalapit,” sagot ni Paolo.

Natanong rin siya kung may plano nga ba itong magpakasal ulit lalo na’t halos lahat ng mga nagiging relasyon niya ay nauuwi sa hiwalayan.

“Ako, of course I do. I want that day to come. But before that happens, I want to fix everything—in all aspect of my life,” sey ni Paolo.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa mga nakaaway ko, sa mga anak ko. Kapag lahat yon hindi maayos, tingin ko never akong magiging buo… enough para maging maayos na asawa.”

Isa rin sa mga gusto ni Paolo ay maging kaibigan ang mga dating nakarelasyon lalo na ang mga ina ng kanyang mga anak.

“Yung mga taong may kinalaman sa akin, feeling ko kailangang maayos before I actually move forward, sa totoo lang, sa edad ko.

“Hindi na yon puwedeng pabayaan at this time regardless kung anong mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person.
“Feeling ko, only that time ako magiging fully ready,” lahad pa ni Paolo.

Sa kabuuan ay may tatlong anak ang aktor at lahat ito ay mga babae.

Dalawqcang anak niya sa dating asawang si Lian Paz, ito ay sina Xalene at Xonia,

Isa naman ang anak ni Paolo kay LJ at ito si Summer.

Related Chika:
Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Read more...