Bryanboy ibinandera ang pasabog na transformation: ‘Hindi ka pangit… wala ka lang pera!’

Bryanboy ibinandera ang pasabog na transformation: 'Hindi ka pangit… wala ka lang pera!'

Bryanboy

PAKAK na pakak ang bagong pasabog na TikTok video ng social media personality na si Bryanboy na may konek sa kanyang itsura noon at sa mukha niya ngayon.

Viral na ang nasabing TikTok entry ni Bryanboy na tinatawag na rin ngayong “Ninang” at “fairy godmother” ng mga netizens, lalo na ng mga gustong magpa-enhance at magpaganda.

Napanood na namin ang paandar na video ng socmed personality kung saan ibinandera nga niya ang kaniyang “11-year chart” glow-up transformation.


Makikita sa TikTok post ni Bryanboy ang pagbabago sa kanyang itsura mula 2012 hanggang 2023. Mapapanood din dito ang pahayag ng Tiktokerist kung paano niya napapanatili ang kasalukuyan niyang itsura.

Ang nakalagay naman sa caption ng ibinahagi niyang video, “Hindi ka pangit… wala ka lang pera!”

“Papakita ko po sa inyo kung ano ang puhunan ko 11 years ago,” hirit pa niya.

Baka Bet Mo: Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: ‘Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros’

Ipinakita ni Bryanboy sa kanyang socmed followers ang iba’t ibang itsura niya mula pa noong 2012 hanggang sa kasalukuyan. Mapapansing lalaking-lalaki pa ang awra niya sa ilang throwback photos.

Nakakaloka rin ang ginawa niyang pang-ookray sa kanyang sarili noong wala pa siyang ipinapabago sa mukha niya. Aniya sa photo niya noong 2012, “Oh my God! Hindi ko kilala yan! I don’t know her.”

Sa itsura naman niya noong 2013, “Oh my God. Nakakasuka ang ilong ko diyan. Mukha siyang sibuyas. Tapos ito yung  2014, mukha po akong paa.”


Kaya ang dialogue pa ni Bryanboy habang hawak ang kanyang pink wallet, “Money is power talaga, halika magpaganda na po tayo.”

Samantala, may isa namang netizen na nakapanood sa video niya ang nagtanong kung “HM” o how much ang kailangang budget upang ma-maintain ang kasalukuyan niyang itsura.

“Hi ninang! curious lang po, how much naman po to maintain your current appearance po?” question ng TikTok user.

Hirit na reply ni Bryanboy, “Yung bangko lang po ang nakakaalam kung magkano ang total. Ayoko na pong alamin nakakatakot baka atakihin ako sa puso.”

Litrato ni Sen. Chiz habang kumakain ng ice cream pinagtripan ng mga netizens: ‘Ay! Pakak na pakak ang kilay!’

Bryanboy tuloy ang pang-ookray kay Rendon Labador: ‘Kakauwi ko lang galing Rome, dedma na po tayo sa rice, ang chaka! Nakakasawa!’

Read more...