Sunshine game na game makatrabaho uli si Cesar: ‘Oo, naman! Alam nating napakahusay talaga niyang artista’

Sunshine game na game makatrabaho uli si Cesar: 'Oo, naman! Alam naman nating napakahusay niyang artista'

Sunshine Cruz, Cesar Montano kasama ang 3 anak

TALAGANG magkasundo na ang ex-couple na sina Sunshine Cruz and Cesar Montano.

You know why? Kasi naman, itsinika ni  Sunshine na she was offered a role sa latest project ni Cesar.

Itsinika ito ni Sunshine pagkatapos ng grand mediacon ng “Unbreak My Heart”.

“Noong graduation ng anak ko, almost three hours na magkatabi kami sa upuan.We talked about things na meron siyang script na he’s considering me to be part of that. Sabi ko, why not?” say ni Sunshine.


Actually, isa lamang iyon sa mga napag-usapan nila ni Cesar. At dahil mahaba-habang ang oras nila habang nagtsisikahan, kung anu-ano ang kanilang napag-usapan.

“And then we talked about ‘yung na-COVID siya na almost, muntik na siyang ma-intubate. ‘Yung mga ganoong kuwentuhan. We talked about Kat, the kids, ‘yung mga anak niya rin with Kat,” say pa niya.

Baka Bet Mo: Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Si Kat Angeles ay ang bagong partner ni Cesar kung saan may mga anak siya.

Pero malabo kay Sunshine kung ano talaga ang offer ni Cesar, kung ito ba ay bilang leading lady or it’s just a role.

But just the same, welcome na welcome sa aktres ang makatrabaho ang kanyang ex-husband.

“I don’t know, but whatever it is, aba,  kung kaya ng schedule, it’s an honor to work with Mr. Cesar Montano na alam naman nating napakahusay na artista,” say pa niya.


Inamin ni Sunshine na maayos na maayos na ang kanilang Samahan ni Cesar.  Hindi nga ba’t nagkasama pa sila na mag-celebrate noon New Year kasama ang mga anak at partner ni Cesar.

“I think nakikita naman ng mga tao sa photos na we’re okay, very much okay. Ten years na. Kung ang sugat nga naghihilom, eh. I think  time really heals all wounds,” say niya.

Ang “Unbreak My Heart,” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabb Garcia and Richard Yap ay kinunan sa scenic locations ng  Switzerland, Italy, and the Philippines. It is directed by Emmanuel Q. Palo and Dolly Dulu and produced by Dreamscape Entertainment.

The series also stars industry veterans Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, and Victor Neri, with Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, and Mark Rivera, and up-and-coming young actors Will Ashley, Jeremiah Lisbo, and Bianca de Vera.

Nagsimula na ito last night sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, and I Heart Movies today, May 29 at 9:35 p.m., 11:25 p.m. on GTV.

Sharon, Gabby super proud sa bagong ‘paandar’ ni KC

Sikat na female star nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay: ‘Medyo slow kasi yung guy’

Read more...