Melai, Jolina, Regine maraming natutunan bilang mga momshie sa 7 years ng ‘Magandang Buhay’: ‘Embrace change, it’s also a blessing’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros
HINDI pa rin makapaniwala until now ang mga original hosts ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na aabot sa pitong taon ang kanilang morning talk show.
Kahapon, May 29, ipinagdiwang nina Momshie Mels, Momshie Jols at Momshie Regs (Regine Velasquez) ang ika-7 anibersaryo ng “Magandang Buhay” kasama ang special guest nilang si Vice Ganda.
Si Regine ang pumalit sa dating host ng programa na si Karla Estrada na ilang taon ding nagpasaya at nagbigay ng inspirasyon at good vibes sa madlang pipol tuwing umaga.
Sa pagse-celebrate nila ng 7th anniversary, isa-isang pinasalamatan ng tatlong momshie ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanilang show mula sa naging guest co-host nila, mga guests, ang mga nasa likod ng camera at siyempre ang mga manonood.
“Grabe ang pitong taon, sino ba naman ang mag-aakala na aabot tayo ng ganitong katagal,” ang emosyonal na pahayag ni Melai.
Pero sabi naman ni Regine sa kanya, “Hindi ako nasu-surprise kasi magagaling kayong mga momshie at saka ‘yung staff and crew. Magagaling lahat, talagang pinaghihirapan every day.
“Akala natin, like ako noon nanonood lang, hindi pala (madali). Talaga palang pinag-iisapan at pinaghihirapan ang bawat episode,” pahayag ng nag-iisang Asia’s Songbird.
Chika naman ni Momshie Jols, “Sabi nila kapag umabot sa seven years, may mga seven-year itch daw. Pero excuse me lang, dito sa ‘Magandang Buhay’, sa atin parang walang mga ganoon.
“Parang ang nangyari ay seven-year high. Kasi pataas nang pataas ang level ng saya, inspirasyon, good vibes at nagkakakilanlan ang bawat isa,” dugtong pa ni Jolina
Nagbahagi rin sila ng kanilang mga realizations sa buhay makalipas ang pitong taon ng “Magandang Buhay.”
“Para sa akin, walk the talk. Marami tayong mga guest na ganyan ‘yung sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Kapag sinabi mong mabait ka, ipakita mo, gawin mo.
“Huwag puro salita lang kasi aksiyon ang gagawin ng mga anakshie, hindi salita,” ang chika ni Melai na aminadong mas lumakas ang kanyang self-confidence mula nang maging host ng “MB.”
Sey naman ni Jolens, “Be thankful. Talagang napaka-powerful ng gratitude. Para sa ating lahat ‘yan walang edad na pinipili. Kapag grateful tayo mas naa-appreciate natin ang life.”
At para kay Regine, “Embrace change, because change is inevitable. Nothing wrong with it. It’s just part of life. You change and you learned from all the changes.
“Hindi lang tayo once nagtsi-change, we change all the time. So embrace it, because even that is a blessing” aniya pa.