Romnick OK na OK ang relasyon sa 5 anak kay Harlene; hindi pa rin ma-explain kung bakit nanalong best actor sa 1st Summer MMFF
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Romnick Sarmenta at Harlene Bautista
ISA ang award-winning actor na si Romnick Sarmenta sa mga masuswerteng male stars ngayon na talagang hindi nawawalan at nababakante ng trabaho.
Bukod sa mga ginagawa niyang mga pelikula, mabentang-mabenta pa rin siya sa mga teleserye. Pagkatapos niyang gumanap na tatay ni Daniel Padilla sa “2 Good 2 Be True” ay may kasunod agad ito na dalawang series.
Kasama si Romnick sa upcoming iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kung saan gaganap siyang Drag queen at “asawa” ni Ice Seguerra at ka-join din siya sa unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 na “Unbreak My Heart.”
Matatandaang siya rin ang nagwaging best actor sa ginanap na Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) para sa pelikulang “About Us But Not About Us.”
“Gusto kong sabihin na malaking bagay ‘yung nakita nila sa pagkakapanalo ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ba’t ako nanalo pero maraming salamat.
“Part ‘yun para maalala ng iba na nagtatrabaho pa pala siya kasi karamihan ng nasa generation namin medyo ‘di ganoon ka-active so may question lagi na does he still accept work,” ang pahayag ni Romnick sa naganap na grand mediacon ng “Unbreak My Heart” last Thursday.
Aniya pa, “There was a time rin na hindi ako tumatanggap ng trabaho. I guess when you keep saying no often enough, they start thinking hindi na siya interesado.
“When people see your work, pwede pa pala. It would be great it’s better to say, every year is our year if we’re willing to work, we’re willing to put on and apply ourselves and hopefully everybody notices that kahit hindi mo itanong,” sey pa ng premyadong aktor at dating child star.
Feeling grateful and blessed din ang aktor dahil napasama siya sa historic collab ng dalawang giant network sa bansa, ito ngang “Unbreak My Heart” na nagsimula na kagabi sa GMA Telebabad at pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.
“I am grateful because I think television is supposed to be collaborative and seeing a project like this take place just fills my heart with joy, old school ako eh, thank you for having me,” sabi pa ni Romnick.
Samantala, naibahagi rin niya ang tungkol sa co-parenting agreement nila ng dating partner na si Harlene Bautista para sa kanilang limang anak na sina Abijah, Zeke, Bohdana, Nirel at Uela.
Sey ni Romnick, “I get to borrow the kids. She gets to decide on a lot of things. And I think normal yun, di ba? Kahit naman magkasama kayo sa bahay, madalas yung nanay ang nagdedesisyon sa maraming bagay.
“So, okay lang. Basta yung sa akin lang, what’s important with me, is that I get to spend time with the kids, you know, and that they get to spend time with me and their sibling,” pagbabahagi pa ng aktor na ang tinutukoy ay si Raza, ang anak nila ng kanyang partner ngayon na si Barbara Ruaro.