J-Lo ginawang peg ng Vivamax bombshell na si Denise Esteban sa pagganap bilang ‘Star Dancer’, nakipaghatawan kay Rose Van Ginkel

J-Lo ginawang peg ng Vivamax bombshell na si Denise Esteban sa pagganap bilang 'Star Dancer', nakipaghatawan kay Rose Van Ginkel

Denise Esteban at Jennifer Lopez

BIDANG-BIDA na naman ang palabang sexy star na si Denise Esteban sa pinakabagong Vivamax Original sex-drama movie na “Star Dancer.”

Ito ang kauna-unahang pelikula ng writer-director na si Pam Miras para sa Vivamax kung saan bibida rin ang isa pang bombshell na si Rose Van Ginkel at ang hunk actor na si Arron Villaflor.

Dating member ng all-girl dance group na P-Pop si Denise at nagdesisyong sumabak sa pagpapaseksi nang mapasok sa Vivamax.


Ilan sa mga pelikulang nagawa na niya ay ang “Kaliwaan” ni Brillante Mendoza, “Doblado” at “Kara Krus” ni GB Sampedro, “Secrets” ni Jose Javier Reyes at ang sex-comedy series na “High School on Sex”.

Dito sa bago niyang pelikula na “Star Dancer” magpapatalbugan sila sa akting at paghuhubad ni Rose Van, “I play Odessa here, an aspiring ballet dancer and a scholar in a ballet school.

“But I had a bad fall and got seriously injured so, dahil doon, I have to let go of my dream of being a professional ballet dancer.

“To provide for myself and also help make ends meet for my family na umaasa sa akin, I end up working in a night club. I was recommended by a friend and they got me as a stripteaser.

Baka Bet Mo: Angeline palaging kasama ang namayapang ina sa loob ng kanyang van

Dito niya makikilala si Prince (Arron Villaflor), ang anak ng may-ari ng club, na agad na mabibighani sa ganda niya. At mula sa pagiging ballet dancer, si Odessa ngayon ay isa nang in-demand stripper at star performer sa club.

Tuluyan na ring mahuhulog ang loob niya kay Prince at magkakaroon ng relasyon ang dalawa. Nasasanay at nag-eenjoy na si Odessa sa bago niyang buhay pero lahat ‘yon ay magbabago bigla sa pagbabalik ni Giselle, ang dating star performer ng club at dati ring karelasyon ni Prince.

Plano ni Giselle na bawiin ang dati niyang trono, pati na rin ang puso ni Prince. Pero bilang palaban ay hindi siya uurungan ni Odessa at wala ring planong isuko ang kung anong meron siya ngayon. Dito magsisimula ang paligsahan at kompetisyon ng dalawang reyna.


Mabawi kaya ni Giselle ang mga dating sa kanya? O mananatili pa rin si Odessa bilang nag-iisang star dancer?

“I watched the dance sequences of Jennifer Lo(pez) in ‘Hustlers’ at siya ang naging peg ko. This is a taxing movie for me kasi I’m there in almost all of the scenes,” kuwento pa ni Denise sa naganap na zoom mediacon ng nasabing movie.

“Abangan n’yo po yung dance sequences namin ni Rose Van kasi, kesa raw mag-away kami ng pisikalan at magkasakitan, we are told na magpatalbugan na lang kami sa dance floor.

“We trained hard with our choreographer to make sure we’ll do good in our dance sequences. So ganoon nga ang ginawa namin ni Rose Van and and we both gave it our best.


“Ang galing-galing ni Rose Van hindi lang sa pagsayaw, but also in acting, so I always have to be on my toes to make sure na hindi niya ako maiwanan. We had fun doing our dancing scenes at nagpalakpakan nga ang mga tao sa set after we did our scenes together,” aniya pa.

Supporting Denise and Rose Van in the movie “Star Dancer” are Arah Alonzo and Erika Balagtas as the friends of Denise, Billy Villeta as the club’s bouncer and Geleen Eugenio as the club’s manager.

Abangan ang “Star Dancer” sa Vivamax ngayong June 2.

Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin

Read more...