Mela Habijan sinagot ang mga nagrereklamo sa queer dating show na ‘Sparks Camp’: Kalma lang, pakinggan natin ang isa’t isa’

Mela Habijan sinagot ang mga nagrereklamo at nangnenega sa queer dating show na 'Sparks Camp': Kalma lang, pakinggan natin ang isa't isa'

Mela Habijan

SINAGOT ng proud transwoman at member ng LGBTQIA+ community na si Mela Habijan ang mga reklamo at kritisismo ng mga manonood sa first ever queer dating show sa Pilipinas, ang “Sparks Camp“.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga manonood at netizens nang mapanood ang trailer at ang unang episode ng nasabing digital reality show na napapanood sa YouTube channel ng Black Sheep tuwing Miyerkules ng gabi.

Ang nagkakaisang komento ng ilang tumutok sa pilot episode ng “Sparks Camp”, nakalimutan daw yata ng production na lagyan ng “diversity” ang mga napiling campers. Parang wala raw itong pagkakaiba sa mga boys’ love (BL) series.


“Nakipag-usap ako sa ilan sa mga nag-post sa Twitter, to be exact, because on my end I engage in a conversation kasi sa ganoong paraan natututo tayo, napapakinggan natin sila, napapakinggan din nila kami.

“We keep on discussing it because ang gusto naman talaga natin ay magkaroon tayo ng isang palabas representing us. Kung hindi tayo magko-collaborate, hindi magiging matagumpay ‘tong palabas na nagpi-feature ng LGBTQIA+ people,” ang pahayag ni Mela sa ginanap na presscon para sa “Sparks Camp.”

Dagdag pa niya, “Tayo ring lahat ‘yung matatalo kaya ‘yung conversation na ‘yun napakahalaga ‘yun. We welcome the comments, we welcome their perspectives and as we welcome it, we learn from them kaya nakikita ko na naggo-grow and nag-eevolve ‘yung ‘Sparks Camp’ and who knows, we will be seeing different adaptations of ‘Sparks Camp’ in the future.

Baka Bet Mo: Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

“Importante ‘yung pakikipag-usap kasi roon natin ilulugar ‘yung pagkakaunawaan natin. We would be able to understand each other if we just sit down, be calm, listen to each other, and understand kung ano ‘yung context kung saan tayo nagmumula kasi kung magbabangayan tayo, matutulad tayo sa kahit na ano’ng uri ng kwento,” lahad pa niya.

Pagkatapos ng cast reveal, marami ang nagsabi na parang kinuha ang lahat sa isang “spectrum” lamang ng gay community dahil sa kanilang physical characteristics.

“We will always anchor diversity with different characteristics kaya meron tayong tinatawag na intersectionality, and ‘yung intersectionality will always coincide with different facets of a human being.

“Ito’y physical, social, karakter, kung paano siya nakikipag-interact, educational background, the people na kinalakhan niya. ‘Yun ‘yung dapat nating makita, hindi lang siya rooted sa physical aspect of a person.

“Diversity will always come from a person where he, she, they come from, how they interact, and how they become people. Para tayong kumikilala ng isang tao.


“Hindi natin siya kikilalanin based sa itsura niya, kailangan natin siyang makausap, kailangan natin silang makasalamuha, kailangan natin siyang makasama para ‘pag nagawa natin ‘yun, makikilala natin siya at ‘yung judgment manggagaling sa kung paano tayo nakipag-interact sa kanila,” litanya pa ni Mela.

Isa pa raw sa dapat abangan sa show ay ang iba’t ibang anggulo ng LGBTQ or queer dating. Sey ni Mela, “I got excited because for the very first magkakaroon ng palabas na makikita natin ‘yung sarap at hirap ng queer dating.

“Ang realidad natin talaga sa mundo ng LGBTQIA+, una pinipigilan kang magmahal at dahil may layer na ‘yun, ang hirap din mag-search ng pagmamahal kasi doon makikita mo ano ‘yung preferences ng mga tao. Ano ba ang hinahanap ng mga tao, ano ang mararamdaman mo, safa ka ba sa mga taong ito,” lahad pa niya.

4 na transgender hindi pinayagang magmartsa sa kanilang graduation, pero…

Miel Pangilinan: I am not a lesbian, nor have I claimed to be…I am queer

Read more...