Bwelta ni Miss Trans Global Mela Habijan kay Dennis: Ito ang laban na hindi namin bibitawan | Bandera

Bwelta ni Miss Trans Global Mela Habijan kay Dennis: Ito ang laban na hindi namin bibitawan

Reggee Bonoan - December 03, 2020 - 05:04 PM

SINAGOT agad ni Miss Trans Global 2020 winner Mela Habijan ang naging pahayag ni Dennis Padilla hinggil sa kontrobersyal na mga eksena sa trailer ng pelikulang “Pakboys”.

Tila hindi kumbinsido si Mela sa naging paliwanag ng komedyante sa reklamo niya tungkol sa pangmamaliit at gawing katatawanan ang mga transwoman.

Masaya raw siya dahil personal niyang nirerespeto ang LGBTQ community kasabay ng pag-amin na ang anak niyang babae ay nagpakasal sa kapwa nito babae sa Amerika.

Pero hindi raw katanggap-tanggap na gamitin niya ito para ipagtanggol ang kanilang pelikula. Muling nag-post sa social media ng panibagong open letter ni Mela.

“Dear Dennis Padilla,

“I celebrate with you for having an LGBTQIA+ child, however, you never use this to justify the transphobia and misogyny of your film.

“But, putting my anger aside, let me take this opportunity to educate you on why your film is transphobic.

“First, it reiterates the idea that trans women are deceiving men. Base sa rekaksyon ng iyong character, nagulat at nanlumo ito nang nalaman niyang trans woman ang kanyang nakasiping. May pandidiri. May pakiramdam na niloko at naisahan.

“Ang reaksyong ito ay maglalabas ng ideyang: ‘Kadiri! Pumatol siya sa bakla!’

“Kakabit nito ay ang ideya pa na kapag pumatol ang lalaki sa trans woman, bakla na siya. Na kabawasan ito sa pagkalalaki niya. Na hindi kamahal-mahal ang mga trans woman.

“And with all due respect, Sir, please don’t take pride of the love making scene, because your character is married. It is cheating!

“Higit pa rito, pinapakita nito kung bakit kami pinagtatawanan at hinahamak mundo dahil pinanganak kaming may titi.

“Na kahit anong gawin namin, dahil trans women kami, hindi namin deserve ang respeto. Katawa-tawa kami, kabastos-bastos kami, at hindi kami katanggap.

“At marahil, hindi mo ito maiintindihan kasi lalaki ka. Sa mata ng mundo, normal ka.

“Pero ito ‘yung laban na hindi namin bibitawan. We will patiently educate. Because just like any person, we trans people deserve respect for our truths, for our choices, and for being us,” mahabang pahayag ng trans beauty queen-actress.

Nauna nang sinabi ni Mela na nakaka-offend para sa LGBTQ community ang trailer ng pelikula nina Dennis.

“Naiinsulto po ako! I just saw the trailer of your movie. Honestly, basing from the title, I already had an idea of what it would be about — toxic masculinity.

“True enough, the first 10 seconds of your trailer presents a trans woman peeing while standing. And then Dennis Padilla is seen bothered and feeling victimized by sleeping with her.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakapanliit kasi ginagawa niyo na namang katatawanan ang pag-ihi namin! Nakakainsulto kasi ginagawa ninyong katatawanan ang katawan namin. Nakakagalit dahil pinagtarawanan ninyo ang pagiging trans woman namin,” hinaing ni Mela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending