Francine Diaz hindi pa kering magsuot ng 2-piece bikini: ‘Pwede yung hindi revealing and for my eyes only lang!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Francine Diaz
PAYAG na kaya ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz na magsuot ng swimsuit sa mga susunod niyang pictorial at acting projects?
Yan ang isa sa mga naitanong sa teen star nang humarap sa ilang members ng media sa isang event kamakailan kung saan muli niyang ipinakita ang kanyang pagiging fashionista.
Inamin ng dalaga na walang isyu sa kanya kung mag-ulit man siya ng kanyang mga OOTD kapag uma-attend siya ng mga events or showbiz gatherings.
“Okay lang sa akin na nag-uulit actually. Hindi naman yun napapansin eh as long as mini-mix mo siya with other clothes.
“Ako kasi ang number one rule sa akin is you can never go wrong with the basics. I always go for neutral colors. Kasi yun din yung magandang bumabagay sa akin, sa kulay ng skin ko and siguro with my looks na rin,” ang pahayag ni Francine sa isang interview.
At nang usisain nga kung may iniiwasan siyang isuot na damit sa harap ng mga camera, inamin ng Star Magic artist na parang hindi pa niya keribels ang mag-swimsuit o two-piece bikini.
“For now hindi pa po. I have pero hindi yung revealing. Siyempre yung pang-swimming lang na for my eyes only. Ha-hahahaha!” ang diretsahang pag-amin ng ka-loveteam ni Seth Fedelin.
Paglalarawan naman ni Francine sa kanyang fashion style, “I’m very classic. Siyempre ayoko rin naman mag-stay lang sa iisang style or kung ano yung nakasanayan sa akin ng mga tao.
“Gusto ko rin mag-elevate talaga with my looks kung paano nila ako makita and especially with my style,” sabi pa ni Francine sa ulat ng Push kasabay ng pagsasabing lately lang talaga siya naging fashionista.
“Siguro na-develop lang through the years. Especially ngayong nagdalaga na ako. Parang recently lang din nag-evolve yung style ko.
“Siguro sa stylist ko, sinusunod ko yung mga advice nila when it comes to fashion. Sobrang collaborative ko and kung hindi ako kumportable sa gusto nilang suotin ko, iniiba rin naman nila ng mas better pa.
“And I’m very, very basic when it comes to shoes. Like yung kulay lang ng mga sapatos ko is always white or black kaya I’m very, very excited to work with Keds kasi I’m sure they will help me to elevate my style pagdating sa sapatos,” aniya pa.
Samantala, inamin din ng dalaga na talagang nakatutok siya ngayon sa trabaho kaya hindi na siya masyadong nagkakaroon ng “extra-curricular activities. Sa katunayan, hindi nga siya nakapag-participate sa katatapos lang na Star Magic All-Star Games dahil nagkasakit nga siya.
“I’m very much a workaholic. Super. Actually sabi ng doctor nasobrahan sa work. Hindi ko naman ginusto magkasakit. Kahit naman sino di ba?
“But I’m very glad now na nakakabalik na ako kahit papaano sa work. Actually kagagaling lang namin sa Zamboanga. I had an event with Seth and I’m very, very happy na makita ulit yung supporters namin . Pero I’m okay na ngayon,” pahayag pa ni Francine Diaz.