Kathryn Bernardo, Dolly de Leon sumabak na sa taping ng ‘A Very Good Girl’, fans kinilig: ‘We’re so ready for this!’
NAG-UMPISA nang mag-taping ang upcoming movie na “A Very Good Girl” na pinagbibidahan ng aktres na si Kathryn Bernardo at Hollywood star na si Dolly de Leon.
Sa isang Instagram post, ibinandera ng Star Cinema ang pasilip sa unang araw ng kanilang shooting para sa nasabing pelikula.
Caption pa nito, “Goodness starts rolling today.”
Ang nasabing post ay shinare naman ng dalawang aktres sa kanilang IG Stories.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Dolly De Leon sa controversial statement ni Liza Soberano: It’s her truth and we have to respect it
Dahil sa exciting news ng dalawa, tila kinilig naman ang kanilang fans at looking forward na sa pelikula.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“It’s happening! I can’t contain my excitement! [emojis].”
“I’m so ready and excited for this! Love you Kath as always, in all ways [red heart emoji].”
“Can’t wait! Abangers here… [emojis]”
Wala pang masyadong detalye na inilalabas patungkol sa pelikula, pero nakatakda itong ipalabas ngayong taon.
Kung maaalala, bago umpisahan ang shooting ng pelikula ay nagkaroon ng inuman session sina Kathryn at Dolly, kasama ang direktor na si Petersen Vargas.
Ayon kay Dolly, big deal sa kanya ang pagba-bonding nila ni Kathryn at ng kanilang direktor bago sila tuluyang sumalang sa shooting.
“Kasi po, makakatrabaho ko siya, e. And ako, I really believe that for you to work effectively with people, you need to have a good relationship with them,” ani ng Hollywood actress.
Pagbubunyag pa ni Dolly, ibang-ibang Kathryn ang mapapanood sa “A Very Good Girl.”
“Yes. And ibang-iba rin ito for me. A Very Good Girl is a story of reckoning between two women, between two self-made women,” sey ni Dolly.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.