Reigning Miss International Jasmin Selberg nasa bansa para sa Binibining Pilipinas 2023
NASA Pilipinas si reigning Miss International Jasmin Selberg upang tulungang makoronahan ang Pilipinang magtatangkang masungkit ang korona sa ulo niya sa ika-62 edisyon ng pandaigdigang patimpalak sa isang taon.
Dumating siya sa bansa noong Mayo 25, at humarap sa mga kawani ng lokal na midya para sa opsiyal na press conference sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City ngayong Mayo 26.
“Thank you for welcoming me with a typhoon. I haven’t experienced that one yet,” natatawa niyang sinambit.
Dadalo sa grand coronation night ng ika-59 Binibining Pilipinas pageant sa Mayo 28 sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City.ang German beauty, ang ikatlong Miss International winner mula sa bansa niya.
Nang masungkit niya ang pandaigdigang titulo sa Tokyo noong Disyembre, sinabi ni Selberg, “I’m happy to write history” para sa bansa niya bilang mag-aaral ng kasaysayan. Muli na naman siyang uukit ng kasaysayan bilang unang banyagang reigning queen ng isang pandaigdigang patimpalak na tutuntong sa entablado ng Bb. Pilipinas pageant.
Baka Bet Mo: Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes
Ang reigning international titleholders na tumuntong dati sa entablado ng pambansang patimpalak ay ang mga reyna ng Bb.Pilipinas na nagwagi sa kani-kanilang nilabanang kumpetisyon.
Naging makasaysayan ang pagwawagi ni Selberg sapagkat pinutol niya ang 33-taong paghihintay ng Germany sa korona ng Miss International pageant. Bago siya, kinoronahan ang German beauty na si Iris Klein noong 1989.
Isasalin ni Selberg ang titulo niya sa ika-61 Miss International pageant sa Tokyo, Japan, sa Oktubre, kung saan magiging kinatawan ng Pilipinas si 2022 Bb. Pilipinas Nicole Borromeo. Sa isang taon pa sasabak sa Miss International ang magiging bagong reyna.
Nagbabalik naman bilang host ng 2023 Bb. Pilipinas Grand Coronation Night sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, at 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, at makakasama nila si 2014 Miss Universe Philippines Mary Jean Lastimosa. Magtatanghal din si “Unkabogable” Queen Vice Ganda.
Related Chika:
Bb. Pilipinas queens mula sa iba’t ibang dekada nagtipon sa isang entablado
Mga pambato ng Pilipinas sa iba’t ibang male pageant kinilala sa Mister Pilipinas Worldwide
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.