Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes | Bandera

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

Armin P. Adina - May 25, 2023 - 08:17 PM

MARAMI nang mga pamilyar na mukha sa 2023 Binibining Pilipinas pageant dahil sa mga beterana mula sa iba’t ibang pambansang patimpalak na tumawid upang muling tangkaing makasungkit ng korona. Ngunit may mga dilag din na mukhang pamilyar dahil naman sa pagkakahawig nila sa mga sikat na.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Maymay Entrata,’ a.k.a. Tracy Lois Bedua, Iloilo City/ARMIN P. ADINA

Mula nang rumampa ang young singer-actress na si Maymay Entrata sa international runway, marami na ang humihikayat sa kanya na sumabak sa pageants. Tumuntong naman siya sa entablado ng 2022 Binibining Pilipinas pageant stage, ngunit upang umawit at hindi makipagtagisan. Ngayon, tila masasaksihan na ng mga tagahanga kung paano siya lumaban sa pamamagitan ng lookalike niyang si Tracy Lois Bedua mula Iloilo City.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Elisse Joson,’ a.k.a. Jessie Salvador, Aklan/ARMIN P. ADINA

Ate ni Jessie Salvador mula Aklan ang actress-host na si Maja Salvador, ngunit mas nakikita ng mga tao ang aktres na si Elisse Joson sa kanya. May mga nagsasabi pa ngang kahawig din niya ang aktres na si Bea Alonzo.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Nanette Medved,’ a.k.a. Julia Mendoza, Roxas City/ARMIN P. ADINA

Noong kasikatan ng dating aktres na si Nanette Medved at dating modelong si Kelly Misa marami ang nagnanais na makita sila sa pageants. Tila matutupad ang hiling na ito sa pamamagitan ng doppelgangers nila.

Hinahambing na sa dating “Darna” actress si Julia Mendoza muls Roxas City, Capiz. At habang nakalikha na ng sariling pangalan sa show business si Atasha Reign Parani mula General Trias, Cavite, bilang dating “Pinoy Big Brother” housemate at aktres, tila nakikita pa rin sa kanya si Misa.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Kelly Misa,’ a.k.a. Atasha Reign Parani, General Trias/ARMIN P. ADINA

Maging si “Asia’s Phoenix” Morisette tila sumabak na rin sa pageantry, sa pamamagitan ng lookalike niyang si Babyerna Liong mula Tacloban City.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Morisette,’ a.k.a. Babyerna Liong, Tacloban City/ARMIN P. ADINA

Tika nagbabalik din ang ilang dating reyna ng Bb. Pilipinas dahil may mga lookalike din sila.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Miriam Quiambao,’ a.k.a. Mirjan Hipolito, Angeles City/ARMIN P. ADINA

Marami na ang nakapansin sa pagkakahawig ni Mirjan Hipolito mula Angeles City sa dating Miss Universe first runners-up na sina Miriam Quiambao at Janine Tugonon, habang kamukha naman ni Tricia Martinez mula Laguna si 1994 Miss Universe finalist Charlene Gonzales.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Charlene Gonzales,’ a.k.a. Trisha Martinez, Laguna/ARMIN P. ADINA

Kahit ang huling Pilipinang nagwagi bilang Miss Intercontinental, si Cinderella Faye Obeñita, tila nagbabalik sa pambansang entablado sa pamamagitan ni Elaiza Alzona mula Zambales.

Bb. Pilipinas 2023 bardagulan ng celebrity lookalikes

‘Cinderella Faye Obeñita, ‘ a.k.a. Elaiza Alzona, Zambales/ARMIN P. ADINA

Makakasagupa ng walo ang 32 iba pang kalahok sa 2023 Bb. Pilipinas Grand Coronation Night sa Mayo 28 sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City. Mabibili na ang tickets sa Ticketnet.

Nakarating na bansa si reigning Miss International Jasmin Selberg para sa programa, kung saan magbabalik bilang hosts sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, kasama pa si 2014 Miss Universe Philippines Mary Jean Lastimosa. Magtatanghal din si Vice Ganda.

Mamimigay din ng libreng tickets para sa grand coronation night. Pumunta sa Araneta City official Facebook page, hanapin ang laarawang “Win Your Way to the Crown” at sundin ang instructions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dalawa ang magwawagi ng tig-tatlomg tickets, habang pitong iba pa ang magwawagi ng tig-dalawang tickets. Tatanggapin ang mga komento hanggang tanghali ng Mayo 27, at sa naturang araw rin pipiliin ang mga magwawagi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending