Catriona Gray may nakakakilig na birthday message kay Sam Milby: I love celebrating you!

Catriona Gray may nakakakilig na birthday message kay Sam Milby: I love celebrating you!

TALAGA namang mapapasabi ka ng “sana all” sa kasweetan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang soon-to-be hubby na si Sam Milby.

Ngayong araw kasi ay ipinagdiriwang ng Kapamilya actor ang kanyang 39th birthday.

Kaya naman hindi papahuli si Catriona na kahit short ay punung-puno naman ng pagmamahal ang mensahe niya sa kasintahan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Sam kalakip ang kanyang birthday greeting.

“Another year older, but you seem to be getting younger?! I know you hate celebrating your birthday, but I love celebrating you,” saad ni Catriona.

Pagbati niya, “Happiest birthday @samuelmilby I love you so much!”

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Marami naman sa mga supporters nina

Catriona at Sam ang talagang kinilig sa “ayuda” ng beauty queen.

“Sa relasyon na naman tayo ng iba nakangiti [laughing and heart emojis] HBD kuya Sam,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Happy birthday king of Catriona’s heart. Wedding bells soon.”

“Ahhh! They are a total relationship goals,” sey naman ng isa.

Matatandaang nitong February nang ianunsyo nina Catriona at Sam ang kanilang engagement.

At sa isa sa mga vlogs ng celebrity doctor na si Vicki Belo ay tila nagpahaging ito na magaganap na ang kanilang pag-iisang dibdib next year.

Related Chika:
Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang ‘the one’: Pero hindi pa po kami kasal

Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Read more...