Bianca Manalo cool na cool na bumuwelta sa basher na nagkomento ng 'Mukantanga lang!' sa kanyang viral video | Bandera

Bianca Manalo cool na cool na bumuwelta sa basher na nagkomento ng ‘Mukantanga lang!’ sa kanyang viral video

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Bianca Manalo cool na cool na bumuwelta sa basher na nagkomento ng ‘Mukantanga lang!’ sa kanyang viral video

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 07:03 AM

Bianca Manalo cool na cool na bumuwelta sa basher na nagkomento ng 'Mukantanga lang!' sa kanyang viral video

Bianca Manalo at Win Gatchalian

ALIW na aliw ang mga netizens sa viral video ng aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo kasama ang kanyang boyfriend na si Sen. Win Gatchalian.

Umani ng mga positibong comments mula sa kanyang social media followers ang bigla niyang pagsasayaw habang tumutugtog ang “Flip” sa background.

Makikita nga rin sa video ang partner ni Bianca na si Sen. Win na nakaupo sa sofa habang hawak at nilalaro nito ang alagang asong si “Pearlie.”

“My babe @stgatchalian74 and my baba Pearlie, dancing monanay,” ang inilagay na caption ni Bianca sa kanyang IG post.

Sandamakmak na netizens ang nagkomento sa post ni Bianca at halos lahat ay natuwa sa kanyang pagsasayaw. Sa katunayan, may mga kinilig pa nang makita sila together sa nasabing video.

Pero may ilan ding nambasag sa trip ng aktres tulad na lang ng isang netizen na nang-okray sa kanya at nag-comment ng, “Mukantanga lang!”

Hindi naman ito pinalampas ni Bianca at talagang pinatulan ang naturang basher. Ang cool na cool niyang bwelta, “Welcome, basher!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)


Kasunod nito kinuyog din ng mga netizens ang hater at ipinagtanggol si Bianca. Narito ang ilan sa mga reaksyon na nabasa namin.

“Mas mukhang kang tanga bitter kpa sayaw ka rin cguro di ka marunong sumayaw prang tuod.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis humanga kay Ice sa pagdidirek ng The EDDYS: ‘Very professional at cool na cool na direktor’

“Maganda naman sayaw n’ya, nakakaaliw. Bakit dami basher.”

“Hahahahaha ang cute! Hayaan ang mga bashers. You look so happy kaya go lang, miss Bianca Manalo.”

“Bakit daming basher ok at cute naman ang sayaw nya ah.”

“Wag ka po mag-alala Ms. Bianca ganyan din po ako sumayaw. Hayaan natin ang basher pag inggit pikit.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)


Sinagot naman ng isang netizen ang mga ito at pinayuhan pa si Bianca, “It’s not about bashing, it’s more about advice … you’re up there already, dignity, beauty, brain and prestige wise… you don’t have to step down just to get some attention like others.

“I do admire everything in you (how you carry yourself- even the journey of your love life) except this dancing ….honestly don’t be like @victoria_belo dancing anywhere and with anyone with no sense just to get attention, it only degrade the respect that educated/classy people have in you…. Just saying.”

Suicide cases tumaas noong 2020, suporta sa mga estudyante hiniling ni Sen. Gatchalian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending