RK Bagatsing inaatake ng insecurity sa relasyon nila ni Jane Oineza: ‘Maybe I’m not enough sometimes, kaya I need to be better’

RK Bagatsing inaatake ng insecurity sa relasyon nila ni Jane Oineza: 'Maybe I'm not enough sometimes, kaya I need to be better'

RK Bagatsing at Jane Oineza

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya actor na si RK Bagatsing na nakakaramdam din siya ng insecurities sa relasyon nila ni Jane Oineza.

Sabi ni RK, hindi naman daw ito maiaalis sa isang taong may dyowa lalo pa’t pareho kayo ng trabaho at iisa ang mundong ginagalawan ninyo.

“Of course you always want to please your partner, hindi ba? And not most of the time alam mo na ito bang ginagawa ko eh, kumokonekta sa kanya o nagpapasaya sa kanya.

“So may mga days na you would want to be in your toes, keeps you on your toes na I have to be better, I have to better in this aspect,” pahayag ni RK sa isang episode ng “Magandang Buhay.”


Aniya pa, “So parang sinasabi ko minsan na insecurity ko na maybe I am not enough sometimes, kaya I need to be better. I need to catch up. ‘Yun ‘yung insecurity.

“‘Yun ‘yung takot ko…enough ba ako? ‘Yun ‘yung insecurity ko na kailangan kong patunayan na I am always the right guy for you (Jane),” sabi pa ni RK.

Reaksyon naman ni Jane sa mga sinabi ng kanyang boyfriend, “Kung may ganu’n siya, ako naman ‘yung I tell him everyday na you are enough or I am happy I am with you, you make me feel loved, ‘yung mga ganu’n.”

Baka Bet Mo: Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: ‘Madamot ako!’

Hiningan din si Jane ng mensahe para kay RK, “I am just really proud of everything you are achieving right now. Kahit na nabu-busy tayo, ibig sabihin lang nu’n ay ang ganda rin ng takbo ng career mo.

“Nakakatuwa na pareho kaming busy. Sana tuloy-tuloy ‘yon. Sana hindi ka magsawa sa akin at ‘yung mga araw na hindi natin nase-celebrate ang promise ko ay babawi ako all the time,” dugtong pa ng dalaga.


Sabi naman ni RK kay Jane, “Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi lang akong nasa tabi mo supporting you. Maraming sumusuporta sa iyo, you have so many fans na sobrang happy sa tinatahak ng career mo, but don’t get twisted.

“Nasa likod lang din ako shouting parang every cheer for you, kasi alam ko na matagal mong hinintay yan, matagal mong ipinagdasal. So, I am always rooting for you and loving you no matter what,” mensahe pa ng binata.

Last May 3, nag-celebrate sina RK at Jane ng kanilang second anniversary bilang magdyowa.

Napapanood ngayon si RK sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo,” habang bibida naman si Jane sa upcoming Kapamilya drama ba “Nag-aapoy na damdamin,” kasama sina JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca.

RK Bagatsing, Jane Oineza wala pang balak magpakasal, marami pang gustong gawin sa kanilang showbiz career

RK Bagatsing matutupad na ang pangarap makasama sa MMFF Parade of Stars, natakot gumanap na Rey Valera sa pelikula

Read more...