Regine umamin: Nu’ng tumanda ako, ang dami kong insecurities!
PINALAGAN ni Regine Velasquez ang balitang inoperan siya ng kalahating bilyong pisong talent fee ng ABS-CBN kaya agad siyang lumipat at iniwan ang GMA 7 na naging tahanan niya sa loob ng 20 years.
Diretsong sabi ng Asia’s Songbird, “You know, at my age and at the stage of my career, you know, alam nilang lahat ng mga reporters dito na mga kaibigan ko na, hindi naman ako ilusyunadang tao. Alam ko naman kung ano ‘yung lugar ko sa industry.
“Sobra akong touched na touched sa welcome na ibinigay sa akin ng ABS-CBN kasi hindi ko akalain na ganun ako kaimportante, hindi po ako mailusyunadong tao.
“But the reason why I’m here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta and I want to work with their talented singers. ‘Yun talaga ‘yun, na bago man lang matapos yung career ko, masabi kong nakatrabaho ko din ang number one station,” paliwanag niya.
Bukod dito ay inamin din niyang marami na siyang insecurities sa buhay ngayon at napansin ito ng mga dumalo sa pa-welcome presscon ng ABS-CBN sa kanya.
“I am risk taker, pero as you get older pala, dumarami ang insecurities mo sa life, alam mo hindi ako insecure na tao, pero nu’ng tumanda ako ang dami kong insecurities.
“So, gusto mo doon ka sa safe, doon ka sa hindi masyadong gagalawin ng tao, doon ka sa alam mo lang (gawin), parang na-realize ko meron pa akong ibibigay kaya ako nandidito ulit, ‘yun lang,” pahayag ni Mrs. Ogie Alcasid.
Kitang-kita sa facial expressions ni Regine kung gaano siya kasaya sa muli niyang pagtuntong sa ABS-CBN bilang opisyal nang Kapamilya, dati raw kasi kapag pumupunta siya para dalawin ang asawang si Ogie sa mga show nito ay pasimple lang at visitors pass pa ang gamit.
“Nu’ng nag-transfer kasi ang asawa ko rito, lagi ako rito pero secret lang kasi gusto ko siyang suportahan.
Nakakatawa nga ‘yung mga guard kasi pinagtitinginan nila ako, pero kanina sinabi ko sa kanila, ‘mga pards dati akong taga-GMA pero Kapamilya na ako. Ha-hahaha! Meron na akong access card, hindi na ako masusunog,” tumatawang kuwento ng Songbird.
Samantala, ang dami-daming gustong gawin ni Songbird sa pagbabalik niya sa Dos, bukod sa tatlong regular shows (Idol Philippines, isang sitcom at ASAP) na nakasaad sa pinirmahan niyang two-year contract, ay gusto rin niyang mag-guest sa Gandang Gabi Vice, Maalaala Mo Kaya, MYX, pati na ang mag-concert kasama sina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo. Biro pa nga niya pwede rin siya sa news program ng network.
Paano na ang pagiging nanay niya kay Nate na isa sa dahilan din noon kung bakit nag-lie low siya?
“Noong nag-6 years old kasi siya nasa school na siya, kalahati ng buhay niya nasa school. I’m so thankful and I am grateful that I had those five years of just being with him, natutukan ko siya.
“Ngayon puwede na akong mag-work ulit. Kasi hindi ko naman na siya nakikita, buong araw nasa school na siya, umuuwi siya 3 p.m. na so puwede ko na siyang dalhin dito, hihingan ko na lang siya ng ID.
Ha-hahaha! Ano na nga raw siya, e, ABS-CBN na siya. Nakakatawa ‘yung si Nate, e, parang 55 years old kung magsalita,” tumawang kuwento ng singer-actress-TV host.
Anyway, nilinaw ni Regine na walang kinalaman ang asawang si Ogie sa plano niyang pagbabalik sa ABS-CBN, “Actually, hindi naman sa kanya nanggaling ang ideya, nanggaling po talaga sa akin. Pero hindi ako sigurado kung interested pa sila (management) kasi alam kong pasong-paso na sila sa akin,” tumatawang kuwento pa ng Songbird.
“Inamin talaga! Alam ko namang pasong-paso na sila and I cannot blame them and I was the one who asked for the meeting but it was my husband who arranged it. Kasi siyempre siya na ‘yung nandito, nakakatrabaho na niya sina tita Cory (Vidanes), si Direk (Lauren Dyogi), si Deo (Endrinal), so siya ‘yung nag-arrange ng meeting.
“As a matter of fact ‘yung first meeting namin, kabadung-kabado talaga ako, kasi hinihintay ko na sabihin nila sa akin na, ‘Hindi na kami interested sa ‘yo!’ Ha-hahaha! Hinihintay ko talaga, but I’m so happy na sinabi nilang, ‘Siyempre naman, interesado kami.’
“Natatandaan ko ‘yung sinabi ni direk Lauren na, ‘Puwede na ba akong mag-hope?’ Ha-hahaha! Kasi nga parang dalang-dala na talaga sila sa akin. Kaya I am really overwhelmed, I am happy that I am here,” ani Regine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.