‘Top Gun: Maverick’ ni Tom Cruise ginamit ni Mark Reyes pang-motivate sa Voltes V team, umaming nahirapan sa flight training scenes
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Radson Flores, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Matt Lozano at Raphael Landicho
PATULOY na umaani ng papuri at magagandang reviews mula sa mga manonood ang Kapuso primetime series na “Voltes V: Legacy.”
Habang tumatagal ay mas lalo pang naaadik ang mga viewers sa itinatakbo ng kuwento ng “Voltes V: Legacy” na pinagbibidahan nina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Ysabel Ortega as Jamie Robinson, Radson Flores as Mark Gordon, Raphael Landicho as Little Jon Armstrong, and Matt Lozano as Big Bert Armstrong.
Nag-viral at talagang trending ang pang-world-class visual effects ng programa, kabilang na riyan ang first-ever “volt in sequence” ng Voltes V team.
Komento ng isang netizen sa pilot week ng serye, “The world premiere of Voltes V: Legacy was a gigantic success with its 3D battle scenes, costumes, an all-star cast and everything that is rolled in one megaserye!
“I was teary eyed watching this legendary TV show on Philippine television. Kaya pala ng Pinas na makipagsabayan sa mga film industry ng ibang bansa! This is definitely a REBORN MASTERPIECE!!! Voltes V is a legend. Thanks a lot GMA for this exceptional revival!” aniya pa.
Sabi naman ng isa pang “Voltes V” fan, “I want to praise how the story goes in Voltes V: Legacy. A lot of unanswered events have been answered in this adaptation.
“Para sakin kahit fan ako ng anime, approved ako sa ‘teleserye style’ narration ng VVL na inuna muna nila ang origin bago ang main story na puro bakbakan. Mas naging expansive ang narrative, malalim ang characters, at may justification,” dagdag pa ng netizen.
Samantala, may pa-trivia naman si Direk Mark Reyes sa kanyang “Voltes V: Legacy Diaries” para sa mga manonood habang nagsu-shooting sila ng naturang action-packed action-drama.
Sa kanyang Instagram post sinabi niya na lahat na yata ng klase ng challenges ay naranasan nila sa shooting lalo na nang kunan na ang flight training scenes ng Voltes V team.
Sabi ni Direk Mark, “The flight training scenes were one of the more difficult shoots we had in the series. We shot at the Subic Airport on an extremely hot summer day.
“The cast may look cool and tough in these pictures. But the minute they go off frame from the cameras, they scramble like chickens to find shade and gulp up a lot of water,” pahayag pa ng Kapuso director.
Sey pa niya, napakalaking tulong sa kanila ng American action drama film na “Top Gun: Maverick” na pinagbidahan ni Tom Cruise.
“It also helped that I brought the cast to watch the premiere of Top Gun: Maverick a few days before this shoot as motivation.
“In fact, I was playing the Top Gun Anthem while filming this scene for inspiration. I think it did the trick. #favoriteshot @voltesvlegacy @migueltanfelix_ @radsonflores @ysabel_ortega @mattlozanomusic @jamirzabarte @sophiasenoron @_ellevillanueva,” aniya pa.