Enchong nagpaka-fanboy kay Cate Blanchett, ‘dream come true’ ang pagdalo sa Cannes filmfest: Pangarap ko lang ‘to dati…
FIRST time na makadalo sa prestihyosong Cannes Film Festival ang aktor na si Enchong Dee.
Kaya naman sa social media, ipinagmamalaking sinabi ng aktor na isa itong dream come true para sa kanya.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ipinadala roon sa France si Enchong kasama ang co-actor na si Arjo Atayde at director na si Richard V. Somes upang magsilbing representative ng action film na “Topakk” na ipinalabas mismo sa Cannes.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni Enchong ang ilang eksena sa prestihyosong filmfest.
Tila nagpaka-fanboy pa nga ang aktor dahil nakapagpa-selfie siya sa Australian actress na si Cate Blanchett.
“Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo. Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto,” sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Enchong ramdam na ramdam si Vice Ganda habang lumalaban sa Summer MMFF; nagpaka-fan boy kay Dolly de Leon
Sey pa niya, “Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga. Thank you Lord pina-experience mo to sakin [folded hands emoji].”
Ani pa ni enchong, “Pangarap ko lang to dati na maka-attend ng @festivaldecannes but more so doing a world premiere for Topakk in Marche Du Film [starstruck emoji] Grabe ka Lord.”
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, ang pelikulang “Topakk” ay isa sa pitong genre films na tampok para sa grand gala screening ng “2023 Cannes’ Marché du Film Fantastic Pavilion.”
‘Yan ay nagsimula na noong May 16 at matatapos hanggang May 22, ayon sa official website ng Cannes.
Ang action thriller film ay umiikot sa istorya ng isang security guard na na-discharge bilang sundalo dahil sa kanyang post-traumatic stress disorder.
Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Arjo at Julia Montes.
Ang Cannes Film Festival sa France ay matatapos hanggang May 27.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.