Dolly hinding-hindi makakalimutan ang pagkikita nila ni Cate Blanchett sa CR: Sabi ko, ‘I’m coming, I’m coming,’ nataranta 'ko! | Bandera

Dolly hinding-hindi makakalimutan ang pagkikita nila ni Cate Blanchett sa CR: Sabi ko, ‘I’m coming, I’m coming,’ nataranta ‘ko!

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Dolly hinding-hindi makakalimutan ang pagkikita nila ni Cate Blanchett sa CR: Sabi ko, ‘I’m coming, I’m coming,’ nataranta ‘ko!

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 07:39 AM

Dolly hinding-hindi makakalimutan ang pagkikita nila ni Cate Blanchett sa CR: Sabi ko, ‘I’m coming, I’m coming,’ nataranta 'ko!

Dolly de Leon at Cate Blanchett

TUWANG-TUWA ang award-winning Filipina actress na si Dolly de Leon habang ikinukuwento kung paano niya nakilala up close and personal ang iconic Hollywood actress na si Cate Blanchett.

Isa raw sa pinaka-memorable moment ni Dolly sa pag-attend niya sa Los Angeles Film Critics Association (LAFCA) Awards ay ang pagkikita nila ni Cate sa loob ng comfort room.

Ito’y para pa rin sa pagkaka-nominate sa kanya best supporting actress category para sa kanyang Hollywood movie na “Triangle of Sadness.”

Sa interview sa kanya ni Karen Davila para sa “Headstart” ng ANC, kakaibang kaba at excitement daw ang kanyang naramdaman nang marinig ang boses ni Cate habang nasa CR ng venue ng LAFCA.

“Sabi niya, ‘Oh my God, this awarding has no break.’ So kumbaga, CR na CR na din siya kagaya ko. Nagmamadali siya pumasok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly de Leon (@dollyedeleon)


“Nabosesan ko siya kaagad. Sabi ng agent ko, ‘Dolly is here.’ Sabi niya, ‘Dolly, Dolly!’ Siyempre nag-panic ako,” ang pagbabalik-tanaw ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ko ‘I’m coming, I’m coming.’ Nataranta ako eh. Pag-open ko ng cubicle door, nakaabang na siya sa akin.”

“She said, ‘I watched you in your….’ Wala na akong naintindihan kasi sobra akong na-starstruck. Hindi na nag-register lahat ng sinabi niya.

“But I knew that she was saying positive things because she was smiling and she looked very positive,” aniya pa.

Pagpapatuloy ng international Pinay actress, “I also congratulated her. I told her I’ve been following her career for a long time.

“And then I asked for the picture. People think na she asked for the picture, but hindi po. Ako po yung humingi ng photo. That’s my agent’s phone,” dugtong ni Dolly.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Dolly ang litrato nila ni Cate kung saan inilarawan niya ang Hollywood star bilang isa sa mga “sensational people” na na-meet niya nang personal.

Ayon pa kay Dolly, looking forward siya na makatrabaho si Cate sa isang bonggang project.

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero…

Janine Gutierrez tinawag na ‘mommy’ si Dolly de Leon dahil sa ‘Dirty Linen’: ‘Im a fan forever! Gawa tayo ulit please?!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dolly de Leon sa nakuhang nominasyon sa 80th Golden Globe Awards: Hindi ako sanay sa ganito, ang sarap!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending