2 pambato ng Pilipinas pumuwesto sa Miss, Mister Fitness Supermodel World contest | Bandera

2 pambato ng Pilipinas pumuwesto sa Miss, Mister Fitness Supermodel World contest

Armin P. Adina - May 21, 2023 - 12:39 PM

Mister Fitness Supermodel World third runner-up Michael Angelo Toledo and Miiss Fitness Supermodel World second runner-up Kristel Galang/ARMIN P. ADINA

Mister Fitness Supermodel World third runner-up Michael Angelo Toledo and Miiss Fitness Supermodel World second runner-up Kristel Galang/ARMIN P. ADINA

NAGKAPUWESTO ang mga pambato ng Pilipinas sa unang pagtatanghal ng Miss at Mister Fitness Supermodel World sa Vietnam.

Hinirang si Michael Angelo Toledo bilang third runner-up sa kumpetisyon ng mga lalaki, habang second runner-up naman si Kristel Galang sa paligsahan ng mga babae.

Dalawampu’t dalawang lalaki at 17 babae ang nagtagisan sa kambal na patimpalak na itinanghal sa lungsod ng Phan Thiet, sa lalawigan ng Binh Thuan, noong Mayo 20.

Nasungkit ni Natalija Miserda mula Croatia ang korona para sa mga babae, habang ang Vietnamese-American na si Hansel Tran mula Estados Unidos ang nakakuha sa titulo para sa mga lalaki.

Kasama nina Miserda at Galang sa hanay ng mga nagwagi sa mga babae ang host delegate na si Le Thi Diem My na hinirang bilang first runner-up, at sina third runner-up Anh Pham mula Canada at fourth runner-up Mariame Sylla mula Guinea.

Sa paligsahan ng mga lalaki, pumangalawa naman si Harshit Arora mula India, pumangatlo si Kevin Mruskovic mula Slovakia, at nagtapos naman sa ikalimang puwesto si Yi Fang Gao mula Canada.

Ang Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc. ang nagpadala sa mga pambato ng Pilipinas, at si Jhune Salud ang national director.

Isa si Toledo sa titleholders sa ikasiyam na Misters of Filipinas pageant na itinanghal ng PEPPS noong Oktubre ng isang taon, habang hawak naman ng foundation ang karera ni Galang bilang event host at aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending