Maris Racal tinamaan ng COVID-19, ilang araw nang naka-isolate

Maris Racal tinamaan ng COVID-19, ilang araw nang naka-isolate: Medyo nalulungkot na ako…

Pauline del Rosario |May 20,2023
facebook
share this

Maris Racal tinamaan ng COVID-19, ilang araw nang naka-isolate: Medyo nalulungkot na ako…

Pauline del Rosario - May 20, 2023 - 11:08 AM

Maris Racal tinamaan ng COVID-19, ilang araw nang naka-isolate: Medyo nalulungkot na ako…

PHOTO: Instagram/@mariestellar

ISANG artista nanaman ang nagpositibo sa COVID-19!

Sa pagkakataon naman na ito ay ang aktres na si Maris Racal.

Ang malungkot na balita ay inanunsyo mismo ni Maris sa pamamagitan ng kanyang TikTok na kung saan ay nag-post siya ng “get-ready-with-me COVID edition” video.

Ikinuwento pa ni Maris sa video na pinaghahandaan niya ang kanyang virtual meeting dahil naglabas siya ng bagong music video para sa kantang “Carelessly.”

“Hindi nakakatuwa,” sey ng aktres habang ipinapakita ang COVID-19 test kit na may positive result.

Chika pa niya, “I’m on my day 3 of quarantine and medyo nalulungkot na ako.”

“Wala talaga akong interaction sa mga tao physically kaya bumabalik ako sa TikTok,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez sinagot ang chikang tomboy daw siya at naging dyowa si Maris Racal: ‘Sa landi kong ‘to! Charing!’

@missmariestella Ready to serve #fyp ♬ Carelessly – Maris Racal

Dahil sa balita ni Maris, maraming fans ang nagpaabot ng “well wishes” sa kanya at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Covid cases on the rise in Manila but life goes on! Get well soon [red heart emoji].”

“Ang ganda pa rin kahit may sakit. Pagaling ka Maris!”

“Pagaling ka agad idol! Don’t worry napanood ko ‘yung bago mong music video. Thanks for choosing Gelo of BGYO!!!”

Kung maaalala, recently lang ay tinamaan din ng nasabing virus ang ilang celebrities kagaya nina Saab Magalona, Luis Manzano at Aiko Melendez.

Magugunitang base sa report ng OCTA Research, patuloy na tumataas sa ating bansa, partikular na sa Metro Manila ang naitatalang “positivity rate” o ‘yung bilang ng mga taong nahahawaan ng sakit.

‘Yan ay sa kabila ng anunsyo ng World Health Organization (WHO) na hindi na nila itinuturing na “public health emergency” ang COVID.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn pinutakte ng netizens tungkol sa ‘buntis issue’ post: ‘Sinasadya niya ‘yan para mag-trending ulit siya’

Richard umaming medyo istriktong tatay kay Juliana: Pero ayoko namang kinatatakutan niya ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending