SINIGURADO ng comedienne-actress na si Pokwang na wala nang chance upang magkabalikan pa sila ng estranged husband na si Lee O’Brian.
‘Yan ay ikinuwento mismo ng komedyana sa naging panayam kasama ang veteran journalist na si Karen Davila na ibinandera sa YouTube.
Sinabi pa nga ni Pokwang na ang pagiging busy niya sa trabaho ang kanyang paraan upang makapag-move on.
“Sa trabaho. Sa dami ng trabaho ko ngayon, sobrang thankful ako, sobrang nagpapasalamat ako sa mga tao na binabato ako ng trabaho ngayon,” sey niya.
Dagdag pa niya, “Sabi nga nila, ‘napaka tanga mo naman, hindi ka na nadala,’ ganun talaga e nagmahal ka e.
“Walang taong matalino pagdating sa pagmamahal. Nagiging bobo tayong lahat.”
Baka Bet Mo: Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’
“And kung ano man ‘yun, naging masaya ka naman and kunin mo ‘yung lesson, ‘yun lang ‘yun. Hindi para manisi ka pa,” patuloy niya.
Ani pa ni Pokwang, “Ngayon siguro, magtatrabaho nalang ako nang magtatrabaho.
“Mas magpapayaman ako ng bonggang bongga para doon sa mga anak ko. Para malaki naman ‘yung maiiwan ko sa mga anak ko.”
Tinanong naman siya kung kaya pa bang makipagbalikan ni Pokwang kay Lee.
Ang sagot niya, “Hindi na. Bakit pa, hindi ba. Hindi naman niya kami pinili na e. So ano pa ‘yun? Tama na.”
Kasunod niyan ay nagbigay siya ng mensahe sa mga basher, “At ang masakit pa, kapwa ko babae ‘yung mga nanggaganyan sa akin.”
“Mga nanay kayo, babae kayo, hindi niyo ako nage-gets? Mas tanggap ko pa kung lalaki ang namba-bash sa akin e,” saad niya.
Chika pa niya, “Ako’y agrabyado pero sabi ko nga ‘nung bago pa lang kami, bina-bash siya sa social media. Bina-bash ‘yan. Kawawa ‘yan sobrang bina-bash. ‘‘Wag mong lolokohin ‘yang si Pokwang, pag ‘yan niloko mo, kami ang makakalaban niyo,’ ‘’wag mong gagamitin ‘yan,’ ‘’wag kang user’.”
“So pinagtatanggol ko siya sa social media kasi sabi ko, let him give a chance. Now, ako ang nasaktan, ako ang naglabas ng hinaing ko, ako pa ang masama ngayon?
“Ano ‘to, saan ako lulugar. It’s so unfair. Kaysa sa pinapakialaman niyo ang nararamdaman ko, magdasal kayo na huwag mangyari sa mga anak niyong babae, sa kapatid niyong babae,” saad niya.
Sey pa niya, “Madaling sabihin na ‘mag-move on ka na,’ ‘bitter ka’ kasi hindi kayo ang nakakaranas ngayon ng pain at ipagdasal niyo na huwag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak niyo, sa bestfriend ninyo, sana huwag pagdaanan ang mga pinagdadaanan ko ngayon.”
“Hayaan niyo na muna akong sumigaw kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sakin nang maramdaman niyo,” aniya.
Related Chika: