Kris posibleng maging 6 ang autoimmune condition, nagsimula nang uminom ng ‘antimetabolites’: Hindi ako sumusuko, sana kayo rin, please’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kris Aquino
MULING nagparamdam ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa social media para magbigay ng update about her health condition.
Makalipas ang isang buwan mula nang mag-post ang TV host-actress sa Instagram tungkol sa kanyang kalusugan at sa kanyang mga anak, nagbahagi uli siya ng developments hinggil sa kanyang kundisyon.
Ayon kay Kris, nagsimula na siyang uminom ng isang klase ng gamot para makatulong sa pagpapagaling ng kanyang mga iniindang sakit.
Nasa Amerika pa rin siya hanggang ngayon at patulong na sumasailalim sa iba’t ibang medications.
“Roughly 13 hours ago, I started my 1st ‘baby dose’ of methotrexate (para hindi na kayo mag google: Methotrexate is in a class of medications called antimetabolites,” simulang pagbabahagi ng nanay nina Joshua at Bimby.
Ayon kay Kris, ang naturang gamot ay nagpapabagal daw ng paglago ng cancer cells at maaari ring makagamot ng psoriasis at rheumatoid arthritis.
“Methotrexate treats cancer by slowing the growth of cancer cells. Methotrexate treats psoriasis by slowing the growth of skin cells to stop scales from forming. Methotrexate may treat rheumatoid arthritis by decreasing the activity of the immune system,” esplika ng TV host.
“I won’t bore you with the details but my chest CT scan showed scarring & micronodules in my right lung,” dagdag pa niya.
Kinumpirma pa niya na limang autoimmune diseases ang na-diagnose sa kanya at posible pang maging anim kaya kailangang dagdagan ng dosage ang kanyang gamot kada linggo.
“I can’t be classified as outright having SLE or RA because I’m exhibiting physical manifestations for both. For now it’s definite I have 5, possibly 6 autoimmune conditions and I bit the bullet and started my baby dose slowly increasing the dosage to 7.5 mg per week,”
Ang mga autoimmune diseases ni Kris ay ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at Churg Strauss o EGPA na isang “rare and life-threatening form of vasculitis.”
“How badly i wanted to keep this private because i’m scared baka mawalan kayo ng gana to keep praying for me & my doctors, my sons, and my sisters. Hindi ako sumusuko, sana wag rin kayo sumuko? Please? My gratitude post will follow,” ang pahayag pa ni Kris Aquino.