Brenda Mage ipinaayos ang simbahan sa kanilang probinsya, umani ng papuri mula sa mga netizens
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Brenda Mage
FEELING lucky and blessed ang Kapamilya comedian at content creator na si Brenda Mage kaya naman hindi siya tumitigil sa pagse-share ng blessings sa mga nangangailangan.
Kamakailan, ibinahagi ng komedyante sa kanyang Facebook page ang bago niyang charity project sa kanilang lugar sa Jasaan, Misamis Oriental.
Ito ay ang pagsasaayos ng kanilang kapilya na matatagpuan sa Brgy. Kiongab, Solana, Jasaan, Misamis Oriental.
Napag-alaman namin na bukod nga sa pagpapa-renovate at pagsasaayos ng kanyang bahay sa kanilang probinsya, ng kanilang farm at tahanan ng kanyang mga kapatid, kamag-anak pati mga mga kaibigan, ay sinimulan na rin nila ang pagsasaayos ng kanilang chapel.
Ayon kay Brenda Mage, isa lamang ito sa naisip niyang paraan para magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na patuloy niyang natatanggap sa loob ng mahabang panahon.
Ang tinutuloy ng vlogger ay ang pagpapa-renovate ng kanilang Our Lady of Fatima chapel. Sa pamamagitan ng bayanihan sa kanilang lugar, unti-unti nang nabubuo at naisasaayos ang nasabing kapilya.
Kabilang sa mga ginawang pagbabago sa chapel ay ang pagpapapintura sa iba’t ibang bahagi nito, ang pagbili ng mga bagong upuan pati na ang pagpapalagay ng tiles sa sahig.
Sa isang FB post ni Brenda Mage, nasabi rim niya ang kanyang plano na magpagawa ng extension sa gilid ng simbahan para raw mas marami pang ma-accommodate na mga kababayan niya tuwing may misa.
Abot-langit din ang pagte-thank you ni Brenda Mage sa kanyang nga fans ay social media followers, lalo na sa mga nagpadala ng donasyon para sa pagpapa-renovate ng kanilang simbahan.
Sa comments section ng FB post ni Brenda, sandamakmak ang nagpasalamat na netizens sa kanya at nangakong ipagdarasal pa siya nang bonggang-bongga para marami pa siyang matulungan.