Jack Logan pinasaringan si Rendon Labador: Bilang isang influencer dapat kami po ay disiplinado... walang saltik sa utak | Bandera

Jack Logan pinasaringan si Rendon Labador: Bilang isang influencer dapat kami po ay disiplinado… walang saltik sa utak

Therese Arceo |May 16,2023
facebook
share this

Jack Logan pinasaringan si Rendon Labador: Bilang isang influencer dapat kami po ay disiplinado… walang saltik sa utak

Therese Arceo - May 16, 2023 - 08:56 PM

Jack Logan pinasaringan si Rendon Labador: Bilang isang influencer dapat kami po ay disiplinado... walang saltik sa utak

NAG-REACT ang social media personality na si Jack Logan sa pahayag ni Rendon Labador laban sa mga artista.

Kinontra kasi ng motivational speaker ang pahayag ni Michael V ukol sa mga content creators at sinabing dapat raw ay tanggapin na ng mga artista na “laos” na sila.

“Kahit mag kampihan pa kayong lahat, wala akong paki alam. Bakit hindi ninyo matanggap na mga laos na kayo? Masakit na katotohanan yan na kailangan ninyong lunukin,” sey ni Rendon na siyang inihingi ng tawad ni Jack sa mga artista.

“Sa mga celebrity na nilait ni Rendon Labador, ako na po ang humihingi ng pasensya sa inyo.

“Bilang isang influencer, dapat kami po ay disiplinado, responsable, disente at walang saltik sa utak. Labyu po mga lodi. Kayo po ang inspirasyon naming,” saad ni Jack.

Baka Bet Mo: Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: ‘Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!’

Marami naman sa mga netizens ang agree sa sinabi ni Jack at nagpayo na huwag na lang raw bigyang pansin si Rendon dahil isa itong malaking “clout chaser”.

“I encourage everyone to stop giving this guy any attention. He’ll die out eventually. May naiambag po ba sya sa buhay buhay natin? Wala nmn right? This is nothing but a way to seek attention. Hope, we can pay more attention to other issues, instead of irrelevant people such as. Prayer for his soul nalang at ng matauhan. More power to all!!!” komento ng isang netizen.

Payo naman ng isa kay Jack, “The more pinapansin the more sisikat at kikita yan, pabayaan nalang yan tutal nonsense din naman pinag sasabi nyan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jack Logan (@jackloganshow)

“Naku,dapat jan sa motibeysyunal kanin na yan dedmahin nyo ituring nyong masamang hangin para malipasan din sya. Lahat nalang din kc pinapatulan sya,” sey naman ng isa.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumalungat si Jack sa mga pahayag ni Rendon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang isa rin siya sa mga nag-react noong inaatake nito ang Kapamilya actor na si Coco Martin at ang teleserye nitong “Batang Quiapo”.

Related Chika:
Belle Mariano ipinagtanggol ni Jack Logan: ‘Maganda ka…wag mong intindihin yung feeling perfect na mukhang inarmirol na kokomban’

Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: ‘Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending