SINITA ng social media influencer na si Toni Fowler ang mga magulang ng mga batang todo giling sa kanta niyang “MPL” na umaasang mapansin at mabigyan ng iPhone 14.
Sa pamamagitan ng isang TikTok video ay pinagsabihan niya ang mga magulang ng mga bata na siya pang nangunguna sa pagpapasayaw sa anak para mapansin niya.
“Noong naglabas ako ng music video, na-bash ako sa MPL, sige ok lang. Tinanggap ko ‘yon kasi mali nga naman. Mali ‘yung kanta ko at ang kanta ko ay tungkol sa kalibugan. Ilang beses kong inulit sa inyo na ang kanta ko ay mali at para lang sa makaka-relate na malilibog na tao. Hindi para sa mga bata,” saad ni Toni.
Kaya nga nang makita raw niya ang video kung saan ang mga magulang pa ang pasimuno na nagpapagaya ng sayaw sa anak ay hindi niya napigilang magsalita.
Ani Toni, nang muling sumikat ang kanta niya ay sinakyan niya ang mga request ng madlang pipol na humihingi sa kanya ng bagong cellphone pero “too much” na raw na ipagaya ito sa mga bata.
“May bigla akong nakita. Dito ako na-bother. Ayaw nilang huminto. Paulit-ulit nila akong tina-tag dito. As in paulit-ulit. Ayan sila, mga bata sila na naglagay ng something sa dibdib at pwet nila.
“Sa video may maririnig pa kayong boses ng nakakatanda na nagsasabing ‘sige gayahin niyo’. Tapos hindi ko alam kung magulang, tito, tita ‘yung nag-upload nito pero ang sabi, hindi raw sila hihinto hangga’t hindi sila nagkakaroon ng iPhone 14,” lahad ni Toni.
Matatandaang namimigay ang social media influencer ng mga brand new phones para sa mga netizens na may malulupit na entry para sa kanyang kanta.
Baka Bet Mo: Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma
@mommytonifowlerofficialTigilan nyo yung ganitong entry di ako natutuwa♬ original sound – Toni Fowler
“Pero ito, this is too much. I am posting this for awareness sa mga magulang. Tagalog po ‘yung kanta ko, napakadaling intindihin, para sa inyo (adults) ko sinulat ‘yon hindi para sa mga bata. ‘Eh bakit mo pa sinulat-sulat?’ Hindi gano’n ‘yon. Huwag n’yo sa akin isisi,” sey ni Toni.
“Naiintindihan ko naman na marami ang may gusto ng iPhone 14. Pero hindi n’yo kailangang gumawa ng paulit-ulit ng video. Hindi lang po ‘yan isa. Hindi lang po dalawa… ang dami niyan. Hindi po ako maaawa sa ganyan,” dagdag pa niya.
Muling pinaalala ni Toni ang resposibilidad ng mga magulang at nakatatanda sa mga bata.
“Bilang magulang responsibilidad po natin kung ano ang gusto nating mapanood ng mga bata o mapakinggan nila. May mga pagkakataon na hindi talaga natin maiiwasan na may maririnig silang ibang bagay na hindi na natin mako-control pero itong kanta ko pine-play n’yo at pinapasayaw… huwag naman nating kalimutan na tayo ang may responsibilidad sa mga maririnig o nakikita nila.
“Para sa iphone 14, ganito? Huwag naman. Sana naiintindihan n’yo kung saan ako nanggagaling,” giit ni Toni.
Related Chika:
Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata
Toni Fowler sa mga nagagalit sa ‘MPL’ music video niya: Kung ayaw niyo ‘wag n’yong panoorin