Kara David sure na sure na hindi lolokohin ng asawang seaman: 'Secure ako sa sarili ko....para sa mata ng asawa ko, ako ang pinakamaganda' | Bandera

Kara David sure na sure na hindi lolokohin ng asawang seaman: ‘Secure ako sa sarili ko….para sa mata ng asawa ko, ako ang pinakamaganda’

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Kara David sure na sure na hindi lolokohin ng asawang seaman: ‘Secure ako sa sarili ko….para sa mata ng asawa ko, ako ang pinakamaganda’

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:37 AM

Kara David sure na sure na hindi lolokohin ng asawang seaman: 'Secure ako sa sarili ko....para sa mata ng asawa ko, ako ang pinakamaganda'

LM Cancio at Kara David

IN FAIRNESS, nakakakilig at nakaka-inspire pala ang love story ng Kapuso broadcaster at TV host na si Kara David at ng kanyang husband na si LM Cancio.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang asawa ni Kara ay isang singer-composer na isa nang sea man ngayon kaya naman isa sila sa mga married couple na LDR ang status, o long distance relationship.

Naichika ng news anchor sa podcast ng Kapuso showbiz reporter na si Nelson Canlas ang love story nila ni LM na nagsimula sa isang benefit concert.

Inamin ni Kara na hindi siya na-love at first sight kay LM dahil ang naramdaman niya ay “love at first hear”. Una raw kasi siyang nagandahan sa boses ng asawa bago niya ang itsura nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)


“Habang kumakain ako, biglang umakyat sa stage si LM, tapos biglang nagsabi ng ‘Good evening, everyone’. Nang narinig ko yung ‘Good evening, everyone’, sabi ko, ‘Ang guwapo ng boses!’” ang kinikilig na pagbabahagi ni Kara.

“As in, naniniwala na ako ngayon na hindi lang love at first sight, love at first hear din. Yung katabi ko, yung direktor ng iWitness, sabi niya, ‘Sana gwapo rin yung fez.’

“Sabay kami tumingin sa stage. Pagtingin namin, sabi ng direktor ko, ‘Ay, ‘di ko type, medyo maitim saka chubby pero alam ko type ni Kara ‘to kasi may dimples saka mukhang Pinoy,’” pag-alala pa ni Kara sa insidenteng iyon.

Baka Bet Mo: Adrian Alandy, Denise Esteban game na game sa iba’t ibang posisyon sa sex: Napakahirap talagang itawid…

Sey pa ng news anchor at TV host, nang makita niya si LM ay nakyutan naman daw siya rito, “Habang kumakanta siya, kinukuha ko ang atensyon niya para mag-smile siya sa akin.

“Ang ending, hindi siya ngumingiti kasi nakapikit siya ayaw niya pala akong tingnan. Nang bumaba ng stage si LM, hinarangan ko, sabi ko, ‘Ang galing mo.’ Siyempre nag-smile na ang lolo mo, kaso lang sabi niya, ‘Thank you po, ma’am.’ Na-ma’am zone ako!” ang natatawa pang kuwento ni Kara.

Ang sumunod daw na eksena, “Sinundan ko ng tingin kung saan papunta, lumabas na dala-dala yung gitara. ‘Uuwi na ‘to, uuwi na rin ako para makasalubong kami sa labas.’ Paglabas ko, nandoon nga siya. Lumapit sa akin, sabi, ‘Ma’am, puwede po bang magpa-picture?’”

Sa pagkakataong ito ay inamin daw sa kanya ni LM na mula pa raw noong kabataan niya ay dalawang babae lang ang crush niya — siya at ang aktres at dating beauty queen na si Alice Dixson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)


Pagpapatuloy ni Kara, “Tapos binigyan niya ako ng CD niya na may mga kanta, sabi niya bata pa lang daw siya, crush na raw niya ako.

“Ito ang eksaktong sinabi niya, ‘Alam ko po baka ma-creep out po kayo sa akin pero baka hindi na po ulit tayo magkita so sasabihin ko na lang, na high school pa lang ako, dalawa lang ang crush ko sa mundo, kayo po saka si Alice Dixson,’” ang kinikilig pang chika ng news anchor ng GMA.

Samantala, naichika rin niya ang payo sa kanya noon ng veteran broadcaster na si Mel Tiangco na nagmarka talaga sa kanyang puso at isipan.

“Hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Tita Mel na parang ‘Ayusin mo muna yung sarili mo, you complete yourself first, kasi kapag maganda na yung sarili mo at kompleto na yung sarili mo, ma-aattract mo yung tamang tao,” pag-alala pa ni Kara.

At tungkol naman sa LDR nila ni LM dahil hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin bilang sea man ang kanyang mister, naniniwala si Kara na hindi siya lolokohin nito kahit pa magkalayo sila.

“Alam ko na exception to the rule yung asawa ko, kasi unang-una secure ako sa relationship namin. Alam ko na hindi siya gagawa ng anything na ikakaselos ko.

“Secure ako sa sarili kong maganda ako. Para sa mata ng asawa ko alam ko, ako pinakamaganda.

“At para lang sure, pumunta ako sa barko, kinaibigan ko lahat ng seaman doon para pag may ginawang kalokohan yung asawa ko, sasabihin!” ang diretsahan pang pahayag ni Kara David.

Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending