Ruru Madrid natulala nang unang makita si Robin Padilla: ‘Hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko hindi siya tao’

Ruru Madrid natulala nang unang makita si Robin Padilla: 'Hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko hindi siya tao'

Robin Padilla, Ruru Madrid at Yassi Pressman

IN FAIRNESS, may nakita at naramdaman naman kaming chemistry at kilig kina Yassi Pressman at Ruru Madrid na magtatambal sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon.

Sila ang bibida sa bonggang collab ng Viva Films at GMA Pictures na “Video City” mula sa direksyon ni Rayniel Brizuela.

Ang “Video City” ay isang romcom movie inspired ng video rental shop ng Viva Entertainment noong dekada 90. Sa mga kaedad ko, siguradong natatandaan n’yo pa ang pagre-rent natin ng mga VCD sa Video City!


Iikot ang kuwento ng pelikula sa isang aspiring filmmaker na babalik sa panahon ng kasikatan ng nasabing video rental store at mai-in love sa isang aspiring actress.

Sa naganap na storycon at mediacon ng naturang pelikula, inamin nina Ruru at Yassi na inabutan nila ang Video City sa katunayan na-experience rin nila ang mag-rent ng mga tapes doon.

Kuwento nga ni Ruru, ang palagi niyang nirerentahan sa VC shop ay mga pelikula ni Sen. Robin Padilla habang si Yassi naman ay paboritong mag-rent ng mga drama movies tulad ng “Saan Nagtatago ang Pag-ibig?” na pinagbidahan nina Vilma Santos at Tonton Gutierrez.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Natanong naman si Ruru kung anu-ano sa mga blockbuster movies ni Sen. Robin ang type niyang i-remake, sagot ng aktor, “Yung Maging Sino Ka Man tsaka yung Baby Ama.

“Favorite ko rin po ‘yon. Lahat po ng Robin Padilla movies sobrang ilang beses ko pong pinapanood,” chika ng Kapuso hunk.


Sa katunayan, kapag nagkakausap daw sila ng anak ni Robin na si Kylie Padilla ay palagi niyang sinasabi na super fan talaga siya ng actor at public servant kahit noong bata pa siya.

“Pero the first time na nakita ko po si Robin Padilla, si Sen. Robin Padilla, eh talagang hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

“Natulala ako parang ‘yung pakiramdam na kahit tao siya, pakiramdam ko hindi siya tao. Ganu’n ako na-starstruck sa kanya,” natatawang kuwento ni Ruru.

Samantala, any moment now ay malapit nang magsimula ang shooting  nina Ruru at Yassi para sa “Video City” mula sa direksyon ni Rayniel Brizuela.

Sabi ni Ruru about their movie, “Exciting ito kasi matagal ko nang gustong makatrabaho si Yassi. Matagal na kami magkakilala at sa totoo lang crush ko siya dati so, nakakatuwa na makakatrabaho ko siya sa pelikulang ito.”

Chika naman ni Yassi, “I like the idea. Gusto ko yung tema ng story na may romance at may time travel aspect. I’m happy na si Ruru ang partner ko rito. I’ve seen how he works and I’m sure it’ll be fun working on this film.”

Ka-join din sa movie sina  TJ Valderama, Chad Kinis, Suzette Ranillo, Soliman Cruz, Anjo Yllana, Bodjie Pascua, Yvette Sanchez at marami pang iba.

Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Read more...