Jodi proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

Jodi proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

PHOTO: Instagram/@jodistamaria

TUWANG-TUWA ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria sa anak na si Thirdy na naka-graduate na ng high school.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Jodi ang ilang special moments na nangyari sa graduation ceremony.

Inalala rin ng aktres noong sanggol pa ang panganay na anak at ngayon ay malaki na.

“I closed my eyes for a moment and suddenly a man stood where a baby I carried in my arms used to be,” sa kanyang caption.

Sey pa niya, “You have given us so many reasons to be proud of the man you have become, but the proudest moment for me is telling the whole world that you are my son.”

Dagdag pa ng aktres, “Congratulations, anak! Dream big. Soar high. We will always be here cheering for you [white heart emoji].”

“May our good Lord continue to bless you, keep you, and make His face shine on you. You are loved, anak! [heart emojis],” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’ ng GMA at ABS-CBN: ‘Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!’

Bukod diyan, agaw-atensyon din ang “blended” family picture na pinost ni Jodi kasama ang kapwa-actress na si Iwa Moto.

Kaparehong mga litrato din ang shinare mismo ni Iwa sa kanyang Instagram account na kung saan ay proud niya ring binati ang anak ni Jodi.

Sey niya, “May college na kami hahaha…ang bilis sobra. we love you so much [red heart emojis.”

Hindi ito ang unang beses na nagsama sina Jodi at Iwa.

Sa katunayan nga ay may magandang relasyon ang dalawa artista sa isa’t-isa.

Makailang ulit nang sinabi ni Iwa na itinuturing niyang isang anak si Thirdy.

Related Chika:

Andrea humiling ng blender kay Seth na nagkakahalaga ng P50k

Read more...