Gigi de Lana, ilan pang kabanda sugatan matapos maaksidente sa La Union, nag-concert pa rin sa Ilocos Norte pero hindi na tinapos
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gigi de Lana (Photos from Facebook)
SUGATAN ang Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana at ilang members ng bandang “The Gigi Vibes” matapos maaksidente patungong Ilocos Norte kahapon ng umaga, May 14.
Nangyari ang naturang insidente sa isang lugar sa La Union ilang oras bago maganap ang kanilang concert sa Ilocos Norte galing sa isa pa nilang naunang show.
Sa kanyang official Facebook page kahapon, May 14, nag-post si Gigi ng official statement kung saan sinabi nito na bukod sa mga bandmaster niyang sina Jon, Oyus, Mela at apat pang crew members, ay wala nang iba pang nasaktan sa aksidente.
Matapos umanong makakuha ng medical clearance, itinuloy pa rin ng grupo ni Gigi ang kanilang Ilocos Norte concert. Nag-perform si Gigi habang naka-cast ang kanyang kaliwang braso.
Ngunit base sa mga video clips na naglabasan sa social media, hindi na natapos nina Gigi ang show. Makikitang tinulungan na siyang bumaba sa stage ng mga emergency personnel.
Sa FB post ni Gigi, humingi sila ng paumanhin sa mga taga-Ilocos Norte na nanood sa kanilang concert “Hindi man namin natapos ang tugtugan, naramdaman namin ang inyong mainit na pagtanggap sa aming banda. Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat!
“Please join us in praying for Gigi’s Jon’s, Oyus,’ and our team members’ quick recovery after yesterday’s unfortunate incident.
“Let’s us all send them our messages of support and love. Babalik kami at magsasaya tayong muli, pramis yan,” ang sabi pa sa post ni Gigi.
Bukod dito, naglabas din ng opisyal na pahayag ang grupo sa social media at nagbigay ng ilang detalye tungkol sa naganap na aksidente.
“Gigi De Lana and The Gigi Vibes was involved in a car accident today at 10:20 am while traveling from the ‘Sulong Aurora Event’ to the ‘Himala Sa Buhangin Event in Ilocos Norte.’
“The band members, Jon, Oyus, Mela, Gigi, and four other crew members, sustained minor injuries.
“Fortunately, no one else was involved in the accident, and all issues have been resolved.
“The band and crew have received medical clearance from the Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, and they will continue their journey to tonight’s show.
“We express our gratitude to the LGU of San Fernando La Union, the LUPPO, and Mr. Erickson Dinglasan for their assistance during this unexpected incident.
“Maraming Salamat Po!” ang kabuuang mensahe ng grupo.