IBINANDERA na ni Michelle Marquez Dee ang kanyang mensahe para sa madlang pipol matapos makoronahan sa Miss Universe Philippines.
Para kay Michelle, hindi pa rin tapos ang kanyang laban, lalo na’t isasalang pa siya sa international stage ng Miss Universe pageant.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng reigning queen ang kanyang “mindset” sa tuwing sumasali sa beauty pageant.
“It’s not done until it’s won. [sparkle emoji] That has been my mindset not just for this year but for all the times I joined Miss Universe Philippines,” paliwanag niya.
Ayon pa sa kanya, kahit kailan ay hindi naging madali ang kanyang mga ginagawang paghahanda sa mga kompetisyon.
Caption niya sa IG post, “No matter how it looks, it was never and it never got easier to prepare for each time I would compete.”
Ang kanyang pagkapanalo raw ay isang patunay na laging may magandang resulta kung ito ay pinaghihirapan.
Sey niya, “Each year was full of hard work, sacrifices and risks that I hope pay off at the end. Winning this year validates not just to me but to every Filipino that with hard work, perseverance and passion, you can achieve anything.”
Gayunpaman, nilinaw din ng beauty queen na hindi rin niya makukuha ang inaasam-asam na korona kung wala siyang suporta na natatanggap.
At dahil diyan ay isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong hindi siya pinabayaan at iniwan sa kanyang pageant journey.
“Of course, I did not win this crown alone. I would like to thank the people who supported me through this journey [heart emoji],” saad niya.
Naging special mention sa kanyang post ang Team MMD, ang kanyang management, sponsors at designers.
Nabanggit din niya ang kanyang mga pamilya at kaibigan, ang Miss Universe Philippines Organization, pati na rin ang kanyang fans.
Ayon kay Michelle, ang magiging laban niya sa El Salvador ngayong taon ay iaalay niya para sa bawat Pilipino.
“The next chapter of my pageant journey is no longer my own. It’s for each Filipino that I will be representing in El Salvador,” lahad niya.
Sambit pa niya, “Knowing this doesn’t just inspire me. It pushes me to work even harder and to dream bigger. It pushes me to do whatever it takes to bring home the Miss Universe crown to the Philippines [Philippine flag emoji].”
Aniya pa, “#DEEPATAPOS ang laban. Naguumpisa palang tayo.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, anak si Michelle ni 1979 Miss International Melanie Marquez.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na nakasungkit ng korona ang beauty queen mula sa iba’t-ibang national pageant.
Ang dalawa riyan ay ang Miss World Philippines noong 2019 at Miss Universe Philippines-Tourism naman noong nakaraang taon.
Related Chika: