Ryzza Mae graduate na ng Junior High School, ibinandera ang pagiging ‘Top 3’ sa klase

Ryzza Mae graduate na ng Junior High School, ibinandera ang pagiging ‘Top 3’ sa klase

PHOTO: Instagram/@ryzzamaedizon

ACHIEVEMENT para sa TV personality na si Ryzza Mae Dizon na makatapos ng Junior High School.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng child star ang ilang larawan sa kanyang moving up ceremony.

Makikita pa sa isang picture na grumaduate with flying colors si Ryzza, dahil bukod sa nakuhang diploma ay siya ang tinanghal na “Top 3” sa kanyang klase.

“moving up day! (huwaaat?!) Thank you Lord & Thank you Eton! ♥️” wika ni Ryzza sa caption.

Baka Bet Mo: Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Ang graduation ceremony ng TV personality ay naganap sa Philippine International Convention Center (PICC) noong May 12.

Bukod sa mga kaibigan, teachers, at fans ay bumati rin ang ilang kapwa-celebrities sa post ng child star.

Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” message ay sina Allan K, Miles Ocampo, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Ruru Madrid, Elijah Canlas, at marami pang iba.

“Congratulations BB [red heart emoji],” komento ni Ryan.

Sey ni Miles, “Congratulations, audiiiii [hug emoji].”

Lahad naman ni Ruru, “Congarts Ryzza! [sparkles emoji].”

Related Chika:

Read more...