Zeinab Harake sumabak sa acting workshop, tuluyan na nga bang papasukin ang showbiz?

Zeinab Harake sumabak sa acting workshop, tuluyan na nga bang papasukin ang showbiz?

PHOTO: Facebook/Zeinab Harake

MULA sa pagiging vlogger at social media influencer, mukhang mag-aartista na rin si Zeinab Harake.

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Zeinab ang pagsabak niya sa kauna-unahan niyang acting workshop.

Makikita rin na nakasama ng vlogger ang acting coach na si Ana Feleo.

Kalakip ng ilang pictures ang kanyang pasasalamat dahil marami raw siyang natutunan.

“First acting workshop done [smiling face with heart eyes emoji],” sa kanyang caption.

Lahad pa niya, “thank you so much Ms Ana Feleo [folded hands emoji] excited po sa next session natin. Ang dami ko pong natutunan today [emojis].”

Baka Bet Mo: Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff

Makikita pa sa comment section ang naging reaksyon ng aktres na si Jennylyn Mercado at sinabing, “Nakakaproud. Excited for u! [happy face emoji].”

Tila nasorpresa naman ang maraming fans ni Zeinab at nagpaabot ng kani-kanilang “congratulatory” messages.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Wow! uma-acting ka na pala. Good For you [finger heart emoji].”

“Proud sobra! I love you zebby! palagi mo pang gagalingan. Good Luck momshie! [red heart emoji].”

“Good luck & congrats Zei! Deserve na deserve mo kung anong meron ka ngayon!!”

Magugunitang naging usap-usapan kamakailan lang ang bagong nali-link kay Zeinab na dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr.

Ibinunyag ng self-proclaimed Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza na nanliligaw ngayon ang basketball player sa social media personality.

Related Chika:

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Read more...