Nora Aunor super fan ni Amalia Fuentes pero ‘ipinagpalit’ kay Susan Roces; naniniwalang dapat maging National Artist si Lea Salonga

Nora Aunor super fan ni Amalia Fuentes pero 'ipinagpalit' kay Susan Roces; naniniwalang dapat maging National Artist si Lea Salonga

Lea Salonga at Nora Aunor

KNOWS n’yo ba na idol na idol noon ng National Artist at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang yumaong movie queen na si Amalia Fuentes?

Bata pa lang daw si Ate Guy ay favorite na niya si Amalia, talagang ipinagtatanggol daw niya ito noong nasa probinsya pa siya kapag may nanlalait sa beteranang aktres.

Ngunit may naging experience raw siya noong makita niya nang personal at malapitan si Amalia na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan.

Sa vlog ng aktres na si Snooky Serna, hiningan ng komento si Ate Guy sa bawat litratong ipinakita sa kanya. Isa na nga riyan ang picture ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

“Noong araw, yung ate ko tagahanga talaga ni Ate Susan. Amalia Fuentes ako nung araw. Kaya naniniwala ako sa mga fans na ipinaglalaban yung idol, dahil isa ako sa mga ganon,” kuwento ni Ate Guy.

“Nu’ng pumunta ako ng Manila, at naging artista ako, at kinuha ako ng Tower Productions, nagkataon na nandu’n si Amalia. So, hahalik sana ako. Nagmamadali ako para humalik,” aniya pa.

“Tapos, hindi ko maabut-abot yung pisngi niya. Hindi nga niya ako tiningnan na ganu’n. Nagtampo ako, ‘Hindi na kita magiging idolo,’ sabi ko,” pagpapakatotoo ni Nora.

Nang dahil sa nasabing pangyayari, ibinaling ng Superstar ang kanyang atensyon kay Susan. Pumanaw si Amalia noong October, 2019, habang si Susan naman ay namaalam noong May, 2022.

Chika pa ni Ate Guy patungkol kay Susan Roces, napatunayan niya kung gaano kabait ang reyna ng pelikulang Pilipino nang gawin nila ang pelikulang Ang Pangarap Ko’y Ikaw noong 1967.


“Nu’ng makita ko kasi si Ate Susan nung gumawa kami ng movie na Pangarap Ko’y Ikaw, unang-unang pelikula na nakasama ko siya sa Sampaguita Pictures, nabaitan talaga ako sa kanya.

“Hindi ko akalain na maaalala niya ako sa Pasko. Yun bang nagpadala siya ng konting regalo, na sa akin napakalaking bagay para sa akin,” pag-alala ng National Artist.

Samantala, napag-usapan din nina Ate Guy at Snooky ang tungkol sa ugali at attutude ngayon ng mga kabataang artista.

Baka Bet Mo: Ate Guy ilang beses nakaligtas kay Kamatayan, maswerte raw dahil malakas kay Lord: ‘May himalaaaa!’

Ayon sa dalawang aktres, magkaibang-magkaiba ang kultura sa showbiz noong panahon nila. Sey ni Ate Guy, “Marami sa mga kabataang artista kasi ngayon na, minsan, yung nauuna ba.”

Na sinagot ni Snooky ng, “Di tulad natin, na yung mga artista nu’ng araw.”


Pagsang-ayon ni Ate Guy, “Mabibilang mo lang yung mga artistang talagang may respeto. Ngayon kasi, yung mga kabataan, minsan dadaan-daanan ka na nga lang, e.”

Sabi pa ni Snooky, “May mga bagong artista ngayon na parang…dapat magpasintabi sa isang veteran. Much more an icon of the movie industry,” na ang tinutukoy nga ay si Nora.

“Ano ba naman yung bumati ka, di ba, gumanu’n (mag-bow) man lang kayo.”

Paglilinaw naman ni Ate Guy, “Hindi lang sa akin yon. Sa lahat ng mga artista na, ibig sabihin, na nauna sa kanila. Respeto lang kasi. Importante sa atin yan, e. Magkaroon ng respeto sa kapwa.

“Kahit na nga di ka artista, kailangan mo pa rin magkaroon ng respeto sa kapwa,” aniya pa.

At sa tanong kay Nora kung sino sa tingin niya ang karapat-dapat ding mabigyan ng National Artist award For Film and Broadcast Arts, “Sa palagay ko, si Lea Salonga.

“Hindi nga lang siya masyadong naging aktibo sa atin sa Pilipinas, pero nakagawa na rin naman siya ng pelikula dito sa atin. Nagkataon lang na du’n sa ibang bansa talaga nakilala, Broadway, theater,” sabi pa ni Ate Guy.

Cristina Gonzales goodbye na sa Probinsyano, todo puri kay Coco: Masasabi kong magaling ka Direk!

Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit

Read more...