Pen Medina palaban pa rin sa aktingan matapos ang spinal surgery, pakiusap kay Coco: ‘Direk, huwag lang malayo, huwag lang mabilis’

Pen Medina palaban pa rin sa aktingan sa 'Batang Quiapo' matapos ang spinal surgery, pakiusap kay Coco: 'Direk, huwag lang malayo, huwag lang mabilis'

Pen Medina, Susan Africa at Coco Martin

UNTI-UNTI nang nakaka-recover ang magaling na veteran actor na si Pen Medina mula sa pinagdaanang spinal surgery noong July, 23, 2022.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang aktor sa mediacon ng Kapamilya primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” last Thursday, May 4, at dito nga niya naikuwento ang kanyang health condition ngayon.

Ayon kay Pen, nagpapasalamat siya kay Coco Martin na siyang bida at direktor ng “Batang Quiapo” dahil talagang inaalalayan siya nito sa bawat eksenang ginagawa niya. Kailangan daw kasing mag-ingat-ingat pa rin siya sa kanyang pagkilos at paggalaw.


“Maganda na yung paggaling ng sugat ko. Ang pinoproblema ko na lang, kasi mula noong naospital ako, paglabas ko parang medyo humina ang aking puso.

“So minsan ang pagod, yung init, pero unti-unti, lumalakas na. Ang pinakainiingatan kasi, may implant na titanium, e. Dalawang ganu’n kahabang nakaturnilyo doon sa buto.

“Kailangan walang abrupt movement, walang matinding twist, or pagyuko, kundi baka ma-dislocate,” paliwanag ng beteranong aktor.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Pen Medina dedma sa bashers na nang-okray sa paghingi nila ng tulong pinansiyal; ipinagtanggol ng netizens

Ayon pa sa kanya, kapag may taping siya sa “Batang Quiapo” at siya na ang sasalang sa eksena, “Sinusubukan ko muna. Halimbawa, may ipapagawa si Coco, ‘Tito Pen, kaya mo ba itong ganito?’ Yung nagpapalimos ako, gaganu’n ako (yuyuko).

“‘Direk, subukan ko. Pag hindi sumakit, kaya ko.’ ‘Oo, kaya, Direk! Huwag lang malayo! Huwag lang mabilis,'” aniya pa.


Inamin din niyang may 10 p.m. cut-off siya sa taping, “Noong umpisa, nahihiya akong humingi ng cut-off. Pero kaya lang, parang bumabagsak lalo ang katawan ko. Nanghihina ang pakiramdam ko. Tapos, nag-i-irregular nang konti.”

Sabi pa ng aktor, kahit na may dinaramdam at isa na ring senior citizen, tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho, “Ito’ng gusto namin, e. Di ba, ang daming artista, tumanda na. Hangga’t kaya! Masarap ang ginagawa namin kahit na mahirap.”

Sa tanong kung may plano ba siyang mag-retire sa showbiz, “Wala, wala. Kasi, hindi naman araw-araw ito, ‘no? Lalo na andami naming cast naman, e. Hindi naman ako isasalang nang three times a week.

“Pero thankful ako, kasi bawa’t linggo nagkaka-taping kami. The rest of the week, nakakapagpahinga. Nagpe-paint ako. Nagdu-drawing-drawing ako, may studies ako, na hopefully, makapag-exhibit in the future,” aniya pa.

Pen Medina naoperahan na sa spine: Pero hindi pa po tapos ang aking laban…

Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19

Read more...