Pen Medina naoperahan na sa spine: Pero hindi pa po tapos ang aking laban…
TODO pasalamat kay Lord ang veteran actor na si Pen Medina matapos ang successful na spinal surgery na ginawa sa kanya kamakailan.
Bukod sa Panginoon, nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagdasal at nag-abot ng tulong pinansiyal para sa kanyang operasyon at medikasyon.
Mismong ang kanyang mga anak ang humingi ng ayuda sa kanilang mga followers sa social media para matugunan ang kanyang spinal surgery dulot ng pakakaroon ng Degenerative Disc Disease.
Ayon sa mga ito, naubos daw ang savings ng beteranong aktor nitong nagdaang dalawang taon dahil nga nawalan ito ng trabaho mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang 71-yar-old actor ng kanyang litrato na kuha after ng matagumpay na spinal surgery.
“Praise God for making my Spinal Surgery safe and successful. Maramingsalamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin,” pahayag ni Pen Medina.
Pero ayon sa magaling na aktor, hindi natatapos sa operasyon ang kanyang karamdaman kaya humihiling uli siya ng dasal mula sa madlang pipol.
“Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.
“Marami pong salamat sa lahat ng nagdasalat patuloy na nagdadasal para sa akin,” aniya pa.
View this post on Instagram
Nauna rito, naglabas din ng pahayag ang anak ni Pen na si Alex Medina para magpasalamat sa lahat ng tumulong sa ama.
Aniya pa, sisiguruhin nilang maglalaan ng sapat na panahon ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang ama para magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng financial assistance sa kanila.
“Pasensya na po sa mga kaibigan at mga tagahanga ni daddy na nag abot ng tulong at dasal para sa kanya na hindi ko pa narereplayan. Babalikan ko po lahat ng mga mensahe ninyo upang pasalamatan kayo sa taos-pusong pagtulong ninyo sa aming pamilya.
“We will also be refraining from doing any more interviews so that we, as a family, can focus on dad’s impending surgery (which has been rescheduled) and recovery.
“Our family is very grateful for your generosity and warm hearted kindness towards my father. May God bless you all!” ang sabi ng anak ni Pen.
Ni-repost din ito ni Alex sa kanyang Facebook account at muling nag-thank you, “Maraming salamat po sa mga tumulong. Overwhelmed pa kami sa suporta. Nakakatuwa. Kilala ko lahat kayo tumulong at words aren’t enough para i-express how grateful we are ”
Kamakailan, sinabi ng isa pang anak ng aktor na si Japs na mukhang matatagalan pa bago makapagtrabaho uli ang ama pero, “Lagi niyang sinasabi is that he really wants to go back into painting, kasi ‘yun talaga ‘yung first love niya.
“He’s been asking us to help him him mount an exhibit and he’s very talented,” dagdag niya.
Mahigit tatlong linggo na si Pen sa ospital dahil sa Degenerative Disc Disease, “a condition which causes pain in the spine.”
“Apparently, he twisted his back (sa loob ng banyo), he hasn’t been able to get up from the couch ever since the night.
“Luma na talaga ‘yung buto niya, wala nang fluid, so the pain was coming from pagka nagtatamaan ‘yung discs niya sa spine.
“And then eventually we also saw there was a pinched nerve there and that’s why it was getting worse,” sabi pa ni Japs.
https://bandera.inquirer.net/319164/pen-medina-tuloy-na-ang-spine-surgery-pamilya-nagpasalamat-sa-lahat-ng-nag-abot-ng-tulong-pinansiyal
https://bandera.inquirer.net/319044/pamilya-ni-pen-medina-dedma-sa-bashers-na-nang-okray-sa-paghingi-nila-ng-tulong-pinansiyal-ipinagtanggol-ng-netizens
https://bandera.inquirer.net/282214/ria-atayde-sumailalim-sa-spine-surgery-nagpasalamat-kay-angel-locsin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.