Coco inulan ng papuri mula kina Charo, Christopher, Cherry Pie at Lorna: ‘Isa siyang genuis at napakabuting anak, kapatid at apo’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Coco Martin, Lovi Poe, Charo Santos, Christopher de Leon, John Estrada, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache at ang iba pang cast members ng ‘Batang Quiapo’
Hindi basta-basta ang pumuri sa actor because it included the who’s who in the industry like Ms. Charo Santos, Christopher de Leon, Lovi Poe, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache and they did it during the recent media conference for the hit series.
“He is a gracious artist. He makes us to our stuff well,” say ni Christopher.
“I agree with all of the above. He’s a passionate artist. He inspires people. He’s a magician. He’s very professional. He’s multi-talented pero sa ganang akin, he is one person who works real hard.
“He knows the value of hard work. He works the hardest among us. So, pagpalitin mo ‘yun, you interchange those words, work hard, hard work, that’s Coco. That spells the difference,” say ni Charo.
“I think it would be authentic. He brings out his authenticity among us actors. Iyon siguro kaya din he brings his authenticity kasi gusto niyang mailabas our true selves and to bring in our character at the same time.
“And also not just us bilang mga characters. Even when we’re on location, he makes sure na ‘yung nakikita ninyong shot sa Quiapo, ipapakita niya ‘yung authentic Quiapo.
“Kaya noong first week, ipinakita niya talaga, shnowcase niya ‘yung kahit na simpleng pagkain, ‘yung mga tao. Gusto niyang ipakita talaga ‘yung totoo.
“Faithful, loyal, aside from the gift of wisdom. I bow to the king of the Philippine industry,” say naman ni LT na nakasama rin si Coco sa “Ang Probinsiyano” sa matagal na panahon.
“Lahat ng sinabi ay tama, henyo, lahat. Pero sa akin, bukod sa napakahusay na artista at director ay creative genius, kailangan ninyong malaman na si Coco ay napakabuting anak, kapatid at apo,” say naman ni John Estrada na nakasama din ni Coco nang matagal sa “Ang Probinsiyano”.
“Coco is parang ano, mover. May gift siya to move and inspire people. Tapos as an actor, ‘di ba, he inspires you. ‘Yung mga hindi mo nata-tap na ano as an artist, he makes people move.
“He gives you the opportunity pero ikaw ang kailangan na gumawa noon. Parang siya, eh. If you look back, he was given the opportunity pero hindi naman din mangyayari kung hindi siya gumalaw at nagsipag,” say ni Cherry Pie.
Inanunsyo ng Primetime King na si Coco Martin na magbabagong-buhay na ang karakter niyang si Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang isang mabait at responsableng tao sa pagsisimula ng bagong yugto ng serye ngayong Lunes, Mayo 8.
Ayon kay Coco, ibang klaseng Tanggol ang mapapanood ng viewers dahil itutuwid na niya ang kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan kaya mas lalong kaabang-abang ang tatakbuhing kwento ng serye.
“Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ni Tanggol. Sa lahat ng kanyang mga natutunan sa kalye, sa Quiapo, at sa buhay, na-realize na niya na siguro panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay.
“Tingnan natin kung ano ang magiging bagong journey ni Tanggol,” sabi ni Coco.
Bukod dito, ipinangako ni Coco na umaatikabong aksyon at sunod-sunod na rebelasyon ang sasalubong sa mga manonood dahil magtatagpo-tagpo na ang lahat ng mga karakter at maglalaban-laban na ang iba’t ibang grupo sa serye.