Xyriel Manabat, Anji Salvacion matapang na lumalaban para sa kababaihan: ‘Our body should be celebrated, respected and defended!’

Xyriel Manabat, Anji Salvacion matapang na lumalaban para sa body positivity: 'Our body should be celebrated, respected and defended!'

Xyriel Manabat at Anti Salvacion

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang Kapamilya young stars na sina Anji Salvacion at Xyriel Manabat tungkol sa pagiging “confident”, “beautiful” at “sexy.”

Naniniwala ang dalawa na wala sa panlabas na anyo o itsura ang pagiging maganda at sexy, yan ay nasa pagkakaroon ng self-confidence at tamang pagmamahal at pagrespeto sa sarili.

May sariling definition ang former “Pinoy Big Brother” housemate na si Anji Salvacion sa mga salitang “beauty and sexiness.”


Sa interview kay Anji sa naganap na unang Star Magic Hot Summer LaHot Sexy 2023 nitong nagdaang Huwebes ay nabanggit niya na napakalaki ng impluwensya ng social media sa pagpapalaganap ng tunay na kahulugan at kahalagahan ng “beauty and body image.”

“There is really a positive and a bad impact on it. Sometimes, people would develop these unrealistic standards of beauty out there.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla

“At the end of the day, what makes us sexy, or what makes us beautiful is our root, our core. That’s our beauty out there. That defines sexy for me,” mariing sabi ng singer-actress.

Payo pa niya sa lahat ng nakakaramdam ng insecurity at panliliit sa sarili, “To all people out there, just embrace yourself especially your roots. Kasi kung anong meron ka sa loob – mapalabas man or mapaloob or mapamukha, sexy ka at maganda ka.”


Samantala, sabi naman ng dating child actress na si Xyriel Manabat na dalagang-dalaga na ngayon at isa na ring advocate ng body positivity, “inspiring others to be confident in their own skin.”

“Kasi po I believe na hindi po siya dapat ikinakahiya or ikinaka-sorry and mas lalong hindi siya dapat ikinaka-settle lang.

“Our body is never less. Our body should be celebrated, respected and defended. We should not justify someone na magtangka na mag-disrespect ng body natin in any way,” paliwanag pa ng isa sa cast members ng hit Kapamilya series na “Dirty Linen.”

Aniya pa, dapat lahat ng tao ay maging confident sa kanilang katawan at huwag na huwag magpapadikta sa mga sinasabi ng iba.

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Read more...