Matteo Guidicelli tuloy na ang pagiging Kapuso, magiging co-host sa ‘Unang Hirit’?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Matteo Guidicelli, Billy Crawford at Sarah Geronimo
Balitang pipirma na ng kontrata si Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11 kasama ang mga big boss ng network.
TULOY na tuloy na ang paglipat ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli sa Kapuso Network.
Balitang pipirma na ng kontrata si Matteo sa GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11 kasama ang mga big boss ng network.
Ito ang ibinalita ng award-winning TV host at talent manager na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 8.
Sa pamamagitan ng segment sa kanyang show na “Today’s Talk”, masaya ngang ibinalita ni Tito Boy ang good news sa mga Kapuso viewers at sa buong universe.
“Si Matteo Guidicelli ay pipirma po ng kontrata with GMA Public Affairs ngayong darating na Huwebes, May 11,” ang pagkumpirma ni Tito Boy na siguradong ikinatuwa ng kanyang mga supporters.
Chika pa ng veteran TV host, nagsimula nang mag-shoot si Matteo para sa ilang promo ng pagdating niya sa GMA.
“Noong Sabado, siya ay nag-shoot ng plugs kasama ang Public Affairs official ng GMA 7,” pahayag pa ni Tito Boy.
Ibabandera ang mga karagdagang detalye sa paglipat ng mister ni Sarah Geronimo sa GMA 7 sa magaganap na contract signing nito sa darating na Huwebes at sa isasagawang presscon.
After ng mediacon ay uupo naman siya sa hotseat para sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Nauna nang nabalita na magiging Kapuso na si Matteo noong August, 2022 kung saan magiging bahagi raw ito ng Kapuso morning show na “Unang Hirit.”
Pero hindi ito natuloy dahil siya ang napiling pumalit pansamantala kay Billy Crawford bilang co-host ng “Tropang LOL” ng TV5. Nagpunta kasi si Billy sa France dahil isa siya sa napiling contestants sa Danse avec les stars, ang French version ng “Dancing with the Stars.”