Kyla naging ‘emosyonal’ sa kaarawan ng anak

Kyla naging ‘emosyonal’ sa kaarawan ng anak: You’ll be my little boy forever…

Pauline del Rosario |May 08,2023
facebook
share this

Kyla naging ‘emosyonal’ sa kaarawan ng anak: You’ll be my little boy forever…

Pauline del Rosario - May 08, 2023 - 02:03 PM

Kyla naging ‘emosyonal’ sa kaarawan ng anak: You'll be my little boy forever…

PHOTO: Instagram/@kylaalvarez

TILA napa-senti mode ang singer na si Kyla habang ipinagdiriwang ang ika-10th birthday ng kanyang anak na si Toby.

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ng singer ang ilang alaala na kung saan ay sanggol pa lamang ang kanyang anak.

Caption niya, “I smile whenever I’d see your baby pictures pop up on my phone screen. And then my heart breaks a little.”

Sey pa niya, “I wish I could go back and carry you just a little bit longer. I wish I could squeeze your chubby little cheeks as you ask me all the million questions that you have, in your tiny voice, just one more time.”

Ayon pa sa singer, hindi siya makapaniwala na ang bilis lumaki ng kanyang anak.

“I can’t believe you’re 10 now. How and where has time gone? [face holding back tears emoji],” dagdag niya.

Pagtitiyak pa ni Kyla na kahit tumanda si Toby ay habambuhay niya itong magiging “little boy.”

Baka Bet Mo: Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

“But no matter what, no matter how big you get, I’ll always remember you as this little boy in the picture. Even though your hands and feet are bigger than mine now,” lahad niya sa IG post.

Aniya pa, “You’ll be my little boy forever [heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLA (@kylaalvarez)

Si Kyla ay ikinasal sa professional basketball coach na si Rich Alvarez noong 2011.

Pitong taon na muna silang nag-date bago tuluyan nang mag-asawa.

Matatandaan noong Hunyo ng nakaraang taon ay ibinalita ng singer ang tungkol sa kanyang naranasang miscarriage.

Ito ang ika-apat na pagkakataon na mawalan siya ng little angel.

Ayon sa dating niyang Instagram post, mahirap para sa kanya na ibahagi ang pagkawala ng anak, lalo na’t inilihim nila ng kanyang asawa ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi nagpasalamat sa pagpapasaya ng Ejercito family kay Ellie

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending