Kris Bernal napi-feel na ang pagiging ‘insecure’ sa katawan: I don’t always feel attractive while I’m pregnant

Kris Bernal napi-feel na ang pagiging ‘insecure’ sa katawan: I don't always feel attractive while I'm pregnant

PHOTO: Instagram/@krisbernal

TILA nagkakaroon na ng insecurities sa katawan ang Kapuso actress na si Kris Bernal ngayong nagdadalang-tao siya.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inamin ng aktres na kung minsan ay nararamdaman niya na hindi siya maganda o attractive.

“I’ll be honest: I don’t always feel attractive while I’m pregnant,” sa kanyang caption.

Ayon pa sa kanya, kamakailan ay madali na siyang mapagod, mabagal din daw siyang kumilos at feeling bloated.

Sey niya sa IG post, “Most days I’m more like a turtle on its back trying to get back on its feet – always in a slow pace, gets tired easily, feels big/bloated, and all those insecurities that just any pregnant women go through.”

Baka Bet Mo: Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!

Libo-libong fans naman ang napa-comment sa post ni Kris at inihayag ang kanilang papuri sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“No matter what you feel, you’re still beautiful even if you’re pregnant because you are carrying a blessing from God. Cheer up! [red heart emojis].”

“I feel you po pero pretty pa din naman po ikaw.”

“I didn’t notice that you’re pregnant [face with open mouth emoji] Hiyang ‘yung face sa pagbubuntis! Mas blooming at mas mukhang bumata [red heart emoji].”

Base sa recent update ng Kapuso actress, nasa second trimester na siya ng pagbubuntis.

Dahil daw diyan ay humupa na raw ang mga sintomas na nararamdaman niya, kagaya ng “morning sickness,” sakit ng ulo, at kawalan ng ganang kumain.

Kasabay niyan ay sinabi ni Kris na malaki na talaga ang kanyang tiyan at mukha nang buntis.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Related Chika:

Hugot ni LJ Reyes bilang single mom: You are enough, you are God’s best creation

Read more...