MAY bagong achievement ang award-winning actress na si Bea Alonzo!
Ibinandera niya sa social media ang kanyang pagkatuwa dahil first time niyang sumabak bilang theater actress.
Sa Instagram, ibinahagi niya ang pictures na makikita ang ilang eksena ng kanyang pag-arte sa entablado.
Caption niya, “In my theater era [emojis].”
Sey pa niya, I truly enjoyed performing on stage last night for the first time with the best people in the industry.”
“I greatly respect everything they do to preserve the Philippines’ culture and arts,” aniya.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo nag-beg off sa pelikulang ‘A Special Memory’ na pagbibidahan sana nila ni Alden Richards
Makikita naman sa post ang ilang komento ng ilang co-stars ni Bea sa nasabing theater show at inihayag ang pagka-proud sa aktres.
“Yessss!!! Had so much fun on that stage! Hope to see you back on stage soon? [emojis],” comment ni Markki sa post.
Saad naman ni Kakai, “THE ELSAAAAAAAAAAAA MONTES!!!!!! [smiling face with heart eyes emojis] I’m SO PROUD OF YOU!!!!”
Para sa kaalaman ng marami, naging parte si Bea ng star-studded cast ng “Ang Larawan: The Concert.”
Nakasama niya riyan sina Jericho Rosales, Karylle, Markki Stroem, Kakai Bautista , Kakki Teodoro, Aicelle Santos, at ang dalawang premyadong actress na sina Mitch Valdez at Nonie Buencamino.
Ang nasabing play ay para sa pagdiriwang ng “The Order of National Artists of the Philippines.”
Related Chika:
Pia ibinandera ang ultimate dream: Wag kayong tatawa…gusto ko talagang maging theater actress!