Desiree del Valle agad itinigil ang mga 'bisyo' nang malamang nagdadalang-tao | Bandera

Desiree del Valle agad itinigil ang mga ‘bisyo’ nang malamang nagdadalang-tao

Ervin Santiago |June 02,2021
facebook
share this

Desiree del Valle agad itinigil ang mga ‘bisyo’ nang malamang nagdadalang-tao

Ervin Santiago - June 02, 2021 - 02:49 PM

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle na magiging mommy na rin siya very soon.

Mixed emotions ang naramdaman ni Desiree nang malaman nila ng kanyang asawang aktor na si Boom Labrusca na magkakaroon na rin sila sa wakas ng sariling anak.

“When I saw this, sobrang happy namin ni Papi. Halong tawa, halong iyak. Tumatalon kami pareho tapos hawak ko lang ito,” ang tuwang-tuwang pahayag ni Desiree sa Star Magic Inside News habang hawak ang pregnancy kit na nagkukumpirmang buntis nga siya.

“Sobrang happy ko, sobrang ang lakas lakas ng heartbeat niya. Parang I couldn’t believe na there’s actually a living baby inside me noong time na ‘yon at saka kung gaano na siya kabuo,” excited pang kuwento ng aktres.

“Sobrang happy, sobrang thankful. Iba ‘yung feeling,” ang lumuluhang pahayag pa ni Des habang inilalarawan ang napi-feel niyang excitement at saya ngayong nagdadalang-tao na siya.

Agad naman daw na itinigil ni Desiree ang kanyang mga “bisyo,” kabilang na ang pag-inom ng kape nang makumpirmang buntis na siya at kasabay nito, sinabi niyang hindi muna siya magtatrabaho simula ngayong buwan. 

Nauna rito, nag-post si Boom sa Instagram ng ilang litrato ni Desiree na naka-two-piece bikini kung saan kitang-kita na ang baby bump nito.

Ang isinulat na caption ni Boom sa pregnant photos ng kanyang misis, “Believe in what you Pray for …’At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isaiah 60:22.”

Ayon pa kay Boom, halos isang buwan na ang nakararaan nang malaman nilang nagdadalang-tao at nasa second trimester na ang pagbubuntis ng aktres.

“We found out April 22 , 2021. 17 weeks and counting. Salamat po Ama. Cant wait to see you baby,” mensahe pa ng aktor at tatay ng Kapamilya hunk na si Tony Labrusca.

Ipinakita rin ni Boom sa kanyang mga IG followers ang litrato ng sonogram ng kanilang baby matapos nga nilang matanggap ang pregnancy test result ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending