Nelson Canlas 5 taon nang kasal sa kanyang partner na si Miggy, nag-dialogue noon ng, ‘Ayoko na, tigilan na natin ‘to, forever single na lang ako’

Nelson Canlas 5 taon nang kasal sa kanyang partner na si Miggy matapos mag-dialogue noon ng, 'Ayoko na, tigilan na natin 'to, forever single na lang ako'

Miguel Cabel Moreno at Nelson Canlas

IBINANDERA ng Kapuso TV host at showbiz reporter na si Nelson Canlas ang pagpapakasal niya sa kanyang long-time partner na si Miguel Cabel Moreno o Miggy.

For the first time, inamin ng “24 Oras Weekend” segment host na kasal na sila ni Miggy at super happy siya ngayon sa piling ng kanyang asawa.

“Proud ako diyan sa partner ko. We’re going nine years, five years married. I’m really proud of this person,” ang kuwento ni Nelson sa online show ni Paolo Contis na “Just In.”

Sey pa ni Nelson, ikinasal sila ni Miggy, na isang restaurateur, sa Wisconsin, USA, “His family owns the only Mindanaoan restaurant in Luzon. Sobrang proud ako sa taong ‘to dahil iginapang niya ‘yung Palm Grill to what it is now.”


Kasama ng Kapuso host na nag-guest sa online show ni Paolo ang BFF niyang si Aubrey Carampel na isa ring entertainment reporter sa GMA.

Pambubuking ni Aubrey sa kanyang kaibigan, ayaw pa raw ni Nelson noon na  makipagrelasyon kay Miggy dahil ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig.

Chika ni Aubrey, “Sobrang bait kaya nga sabi ko huwag ka na umarte diyan, mabait na mayaman pa, maayos pamilya.”

Baka Bet Mo: Anne Nelson itinama si Darryl Yap: There is nothing in it that says the nuns played mah-jongg with Cory Aquino

Ang reaksyon naman ni Nelson, “Nire-resist ko lang ‘yung idea na mayroon na naman akong relasyon ngayon. Maybe, this is bound to fail. Ayoko na. Tigilan na natin ‘to, forever single na lang ako.”

Ngunit talagang nakatadhana sila sa isa’t isa at happily married na ngayon. Aniya, hindi lang daw siya nakatagpo ng asawa kundi nagkaroon din siya ng isa pang bestfriend.


“I’ve always said na si Aubrey ‘yung bestfriend ko talaga sa buhay ko. Kapag nakita mo nga ‘yung passport ko nakalagay ‘yung in case of emergency siya talaga.

“Ang daming passport ko na ganoon until ito. Noong naging kami ni Miggy, dalawa na ‘yung bestfriend ko,” sabi pa niya.

Paglalarawan naman niya sa pagsasama nila ni Miggy, “Wala kaming alone time, wala kaming me time, ang me time namin magkasama kami for the last nine years.”

Sa tanong ni Paolo kung madali ba ang naging relasyon nila ni Miggy dahil isa siyang public personality, “If you’re with the right person madali siya, mas madali siya. But, if you’re with the wrong person, mahirap siya.”

Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Hugot ng RitKen: Ramdam na ramdam namin na hindi n’yo kami iniwan!

Read more...