Gabby Eigenmann: ‘Akala nila madali para sa mga anak ng artista ang mag-showbiz, grabe yung pressure!’

Gabby Eigenmann: 'Akala nila madali para sa mga anak ng artista ang mag-showbiz, grabe yung pressure!'

Mark Reyes, Carla Abellana at Gabby Eigenmann

MADALING makapasok sa mundo ng showbiz ang mga anak o kapamilya ng mga artista pero kakambal naman nito ang matinding pressure.

Yan ang paniniwala ng Kapuso actor at showbiz royalty na si Gabby Eigenmann na anak ng yumaong aktor na si Mark Gil o Raphael John “Ralph” Gil Eigenmann sa tunay na buhay.

Sa panayam kay Gabby ng “Fast Talk with Boy Abunda”, inamin nga niya na mas mabilis makilala ng publiko ang mga anak ng artista pero grabe naman ang bigat ng pressure na kapalit nito.


Ayon sa Kapuso actor, totoong napakalaking advantage para sa kanya ang pagiging anak ni Mark Gil ngunit napakataas din ng expectations ng mga tao sa kanya kaya naman talagang ginagalingan ni Gabby sa bawat proyektong ginagawa niya.

“It was an advantage, na anak ka ng artista o galing ka sa angkan ng mga artista, it’s stepping stone, easier way to enter showbiz pero problema lang is they expect you to be as good as your dad, or as good as your tito.

“Kasi ako nag-start ako as singer e, hindi ako nagsimula as an actor e. It was a pressure, pressure para sa amin ‘yun.

Baka Bet Mo: Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

“Misconception nga is akala nila its easier for us e, pero mahirap kasi they tend to compare talaga nila e,” sabi pa ng aktor.


Samantala, mapapanood na si Gabby bilang Commander Robinson ng Camp Big sa inaabangang Filipino live-action adaptation ng Japanese anime series ng GMA na “Voltes V: Legacy.”

Chika ni Gabby, totoong sinadya niya ang magpataba at nagpahaba ng bigote para mas maging kamukha niya si Commander Robinson, ang kumander ng international defense force ng planetang Earth.

Kinarir daw ng aktor ang lahat ng kailangan niyang gawin at isinapuso ang mga payo at tips sa kanya ng direktor ng “Voltes V” na si Mark Reyes para mabigyan ng hustisya ang kanyang iconic character.

Bukas na, May 8, magsisimula ang “Voltes V: Legacy” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras”. Bibida rito ang limang bubuo sa Voltes V Team na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho.

Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Read more...